"Matanong kita, Anna." Panimula ni Dahyun kay Anna na tahimik na nakaupo sa tabi niya sa kalagitnaan ng madilim at malamig na gabi. Tumingin lamang si Anna sa kanya.
"Alam mo ba kung saan nakalagay ang espada ko?" Dagdag ni Dahyun kaya naman kumuha na ng papel at pluma si Anna.
"Ang pagkakaalam ko, si Moira ang nagtago ng espada mo."
"Ganun ba? Nagbabakasakali kasi akong makuha 'yon sa lalong madaling panahon."
"Bakit naman?"
"Balak kong personal na pumunta sa pamahalaan para gawin ang misyon ko."
"Gusto mo nang makita si Kyulkyung?"
"Matagal-tagal na rin kaming hindi nakakapag-usap. Panahon na rin siguro para harapin ko siyang muli."
"Pero masyado pang delikado."
"Palagi naman akong nasa delikadong posisyon, Anna. Bago pa man ako makarating sa kampo niyo, delikado na ang buhay ko. Kailangan ko lang mag-ingat nang sobra."
"Maghintay na muna tayo ng permiso ng aking ama."
"Napagisip-isip ko na rin kasing balikan na sila Kyungwan at Nabong sa lugar na pinag-iwanan ko sa kanila. Hindi na talaga ako mapakali kung ano nang kalagayan nilang dalawa." Dagdag ni Dahyun kay Anna na nakikinig sa mga sinasabi niya.
"Baka mapahamak ka sa gagawin mong aksyon. Pwede ka naming tulungan. Sasamahan ka namin sa paglalakbay mo sa pamahalaan."
"Hindi ko kayo idadamay sa panganib na dala ko."
"Tutulungan kita."
"Marami ka nang naitulong sakin, Anna. Sapat na ang mga 'yon para sakin." Nakangiting sabi ni Dahyun kay Anna na tila biglang nalungkot.
"Mag-iingat ka palagi, Dahyun."
"Siguro akong hinahanap na rin ako ni Kyulkyung."
"Ayos lang ako. Wala 'to. Nag-aalala lang ako na baka mapaano ka."
"Maraming salamat sa lahat ng tulong mo, Anna. Isa kang mabuting kaibigan." Sambit ni Dahyun kaya naman agad na napayuko si Anna.
Nang mapansin na tila walang imik si Anna sa tabi niya, biglang nag-alala si Dahyun.
"May nasabi ba akong masama, Anna?"
"Wala naman. Sadyang may mga bagay lang talagang hindi ko pwedeng makuha."
"Tulad ng ano?" Naguguluhang tanong ni Dahyun kay Anna na agad namang nagsulat ng isasagot niya.
"Siguro dumating lang siya sa buhay ko para pasayahin ako pero hindi nakatadhanang manatili siya sa tabi ko."
"Sinong siya?"
"Kalimutan mo na lang 'yon. Ayos lang talaga ako. Mahal na mahal mo siguro si Kyulkyung."
"Oo naman. Mahal na mahal ko siya. Hindi mapagkakailang maganda talaga si Kyulkyung. Masaya akong sa dinami-dami ng nagagandahan sa kanya, ako yung sinagot niya."
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Hayran Kurgu𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...