78 : Pink Camellia

477 13 13
                                    

"There are always flowers for those who want to see them." - Henri Matisse

Chaeyoung's Pov :

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chaeyoung's Pov :

Ginawa ko ang lahat upang alagaan si Jihyo habang hinihintay ang pagbabalik ni Dahyun. Hindi ko inaasahang aabot sa puntong magkakasakitan na talaga sila ni Fairy Queen Jihyo.

Ilang oras ding namahinga si Fairy Queen. Sobra ang pag-aalala ko sa kanya dahil tila hinang-hina siya kanina. Nanatili na lamang ako sa gilid ng kama na hiihigaan ngayon ni Fairy Queen. Pinagmamasdan siyang magpalakas muli.

Hindi ko maiwasang maalala ang nangyari kanina. Sa sobrang galit ni Dahyun, hindi na niya nakontrol ang sarili niya. Ayokong maulit ang bagay na 'yon. Ayokong dumating sa punto na tuluyan nang lamunin si Dahyun ng galit niya.

Muli akong napalingon kay Fairy Queen na tila nagkaroon na ng malay. Wala akong kaide-ideya kung ano ba talagang pinagtatalunan nila ni Fairy Queen kanina. Pero naramdaman kong kailangan ko silang pigilan bago pa mahuli ang lahat. Agad naman akong lumapit upang alamin ang kalagayan niya.

"Fairy Queen."

"Chae ---Chaeyoung." Nanghihina pa din siya.

"Huwag ka munang bumangon sa kama ni Dahyun. Magpahinga ka muna." Pagpigil ko sa kanya.

"Si Dahyun. Nasaan si Dahyun?" Agad niyang tanong.

"Bigla siyang umalis."

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya sakin.

"Ayos lang po ako, Fairy Queen. Kayo ang dapat kong tanungin kung ayos lang kayo."

"Huwag kang mag-alala. Ayos lang talaga ako."

"Pwede ko po bang malaman kung anong nangyari kanina?"

"Kasalanan ko 'yun, Chaeyoung. Biktima lamang si Dahyun ng kasinungalingan ko. Hindi ko siya masisisi." Malungkot na pag-amin ni Fairy Queen sakin.

"Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang ganon kagalit. Ayoko nang makita ulit siyang nagkakaganon."

"Natakot ako noon sa maaari niyang gawin sa sarili niya sa oras na malaman niyang kasabay na namatay ni Anna ang kanilang anak."

"May anak si Dahyun at Anna?!" Gulat kong tanong.

"Meron. Ipinagbubuntis ni Anna ang anak nila ni Dahyun noong namatay ito. Ni hindi man lang nabigyan ng pagkakataon si Anna upang ipaalam kay Dahyun ang tungkol sa pinagbubuntis niya. Sa takot kong mas sisihin ni Dahyun ang kanyang sarili, inilihim ko ang tungkol sa bagay na 'yon. Ako ang naglibing sa bangkay ni Anna. At si Dahyun, tuluyan nang nabura sa isipan niya ang lahat ng ala-alang napagdesisyonan niyang kalimutan." Paliwanag ni Fairy Queen habang nakahiga sa kama.

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon