142 : No Choice

212 15 7
                                    

A/N : Sa mga hindi pa nakakanood, panoorin niyo na yung nasa multimedia. Eh di wag. Charot. HAHAHAHAHAHA.

Chaeyoung's Pov :

Ilang araw na akong nagpapagaling dito sa hospital. Sa lahat ng pagkakataong 'yon, hindi nawala si Mina. Araw-araw niyang ipinaparamdam sakin kung gaano niya kagusto na mapabilis ang tuluyang paggaling ko.

Biglang sumagi sa isipan ko kung ano na bang kalagayan ni Dahyun ngayon. Hindi pa rin siya nagpapakita sa kahit na sino samin. Sinabi sakin ni Mina ang pagbisita ni Sana noong nakaraang araw. Nagtataka na daw si Sana kung saan nagpunta si Dahyun.

Na-appreciate ko ang concern ni Sana na hayaan muna akong magpahinga. Pero kung tumuloy siyang makipag-usap sakin noong araw na bumisita siya, sasabihin ko naman sa kanya ang katotohanan. Deserve niya namang malaman kung anong nangyari kay Dahyun.

Iniisip ko rin kasi na baka makasama kay Sana at sa magiging anak nila ni Dahyun ang sobrang pag-aalala ni Sana. Sa totoo, hindi ko rin naman talaga alam kung ano nang balita kay Dahyun. Pero kahit paano, pwede akong magbigay impormasyon kay Sana upang mabawasan ang iniisip niya kaya naman minabuti kong ipaalam kay Mina na gusto kong makausap si Sana.

"Chaeyoung." Nahinto ang pagmumuni-muni ko nang biglang sumilip sa pinto ng kwarto si Mina.

"Oh. Mina, Ikaw pala."

"Nandito na si Sana."

"Ah. Papasukin mo na siya." Agad namang pumasok sa loob si Sana. Minabuti ni Mina na hayaan muna kaming makapag-usap nang pribado.

Sa pag-upo ni Sana sa upuan sa gilid ko, kita ko agad sa mata niya ang sobrang kalungkutan.

"Ah. Kumusta, Sana?" Panimula ko.

"Ayos lang naman ako. Chaeyoung, Kumusta ka na? Kumusta ang sugat mo?"

"Bumubuti na ang kondisyon ko, Sana "

"Mabuti naman kung ganoon. Pasensya ka na, Chaeyoung. Sabi ni Mina, Gusto mo daw akong makausap. Bakit?"

"Yun ba? Oo. Gusto sana kitang makausap tungkol kay Dahyun." Agad siyang napatingala upang tumingin sakin nang marinig ang pangalan ni Dahyun.

"Anong meron kay Dahyun? Nasaan siya, Chaeyoung? May ibinilin ba siya sayo? Kumusta na siya? Ayos lang ba siya?" Sa dami ng tanong niya, alam kong sobra na niyang namimiss si Dahyun.

"Sa totoo, hindi ko talaga alam kung ano na ang lagay niya ngayon. Pero bago siya umalis, nakausap ko siya." Sagot ko kay Sana na sobrang nag-aalala.

"Sorry, Chaeyoung. Alam kong hindi pa mabuting-mabuti ang kalagayan mo pero pwede mo bang sabihin sakin kung ano ang mga nalalaman mo?"

"Walang problema. Karapat-dapat lang din naman na malaman mo."

"Maraming salamat, Chaeyoung. Sadyang hindi ko lang talaga maiwasang mag-alala nang sobra. Hindi na ako mapakali sa kakaisip kung ano na bang nangyari sa kanya."

"Kinailangan niyang umalis noong araw na nagkagulo ang lahat sa beach resort." Panimula ko sa kanya.

"Bakit siya umalis? Bakit umalis siya nang walang paalam sakin?"

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon