114 : Responsibilidad

274 20 8
                                    

Sana's Pov :

Taimtim lamang akong nakaupo sa kama sa aking kwarto. Sandali kong hinimas ang tiyan kong hindi pa gaanong lumalaki. Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang hindi pa kami magkakilala ni Dahyun, ngayon nandito na siya sa buhay ko't magkakaroon na kami ng anak.

Hindi ko mapigilang mapatawa nang maalala ko ang mga unang pagkakataon ng pagkakakilala namin ni Dahyun. Ang harsh ko pa sa kanya noon. Binalak ko pang bistohin kung anong tunay na pagkatao niya noon hanggang sa tuluyan ko nang malimot ang planong 'yon dahil unti-unti na akong nahuhulog para sa kanya.

Pinagmasdan ko yung bulaklak na ibinigay niya sakin noon na siya pa mismo ang pumitas sa flower farm niya. Natatawa pa rin ako sa idea na parang ginamit naming reason yung flower na inutang ko sa kanya para magkaroon kami ng opportunity na makita o makasama pa ang isa't-isa.

Dati napapaisip ako kung bakit hindi pa rin malanta-lanta ang bulaklak na ibinigay niya sakin na siyang ini-display ko sa aking kwarto. Pero ngayong alam ko na ang pagkatao niya, naiintindihan ko na.

Simula nang dumating si Dahyun sa buhay ko, bumalik yung excitement kong i-enjoy ang buhay. Sa pagdating niya sa buhay ko, naranasan kong magtry ng iba't-ibang klaseng bagay. Marami akong natutunan.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang ako si Anna sa nakaraang buhay ko. Tila ba initadhana talaga kami ni Dahyun para sa isa't-isa. Yung tipong kahit hindi nagwork yung relasyon namin sa nakaraang buhay ko, gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana. At eto na kami ngayon, masaya sa isa't-isa.

Bigla ko tuloy naalala yung ikinuwento sakin ni Mina kaninang umaga tungkol sa panaginip niya. Hindi ko maiwasang isipin na baka past life nila ni Chaeyoung yung napanaginipan niya. Hindi ako sigurado pero malakas ang pakiramdam ko na may kinalaman 'yon sa nakaraang buhay nila. Parang sa mga movies lang eh. Ttalgi? Hmmm. Baka 'yun ang pangalan ni Chaeyoung sa nakaraang buhay niya.

Ang dami nang nangyari sa paglipas ng panahon. Sana palagi na lang kaming masaya. Alam kong hindi pa rin natatapos ang pinagdaraanan ni Dahyun ngayon pero umaasa akong matatapos din ang mga 'yon nang maayos upang tuluyan na naming ma-enjoy nang magkasama ang buhay bilang isang buong pamilya kasama ng magiging anak namin.

Agad na muna akong tumayo sa pagkakaupo sa kama upang i-check ang savings ko. Napakamot-ulo ako nang mapansin kong tila kukulangin na ang savings ko sa mga magiging gastusin para sa magiging anak namin ni Dahyun. Ayoko namang iasa kay Dahyun lahat.

Kailangang may gawin ako. Nahihiya na akong hayaan na si Dahyun na lang palagi ang gumagastos. Alam kong ayos lang sa kanya 'yon pero iba pa rin kapag pareho kaming kumikilos para sa anak namin.

Agad ko nang ihinanda ang mga natitirang ukay-ukay na paninda ko. Makakadagdag tulong din ang mga ito. Panahon na para muli akong magtinda bukas.

Maya-maya, sumilip si Momo sa aking kwarto.

"Sana, Anong ginagawa mo?" Tanong niya sabay upo sa isang tabi habang pinagmamasdan akong nag-aasikaso ng mga paninda kong ukay.

"Eh di nag-aasikaso ng panindang ukay."

"Don't tell me magtitinda ka pa sa kondisyon mong 'yan?" Tanong ni Momo kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Sayang naman kung itatambak ko lang 'tong mga 'to dito. Hindi ako makakapagresell kung hindi pa mauubos ang mga ito. Pandagdag din 'to sa gastusin para sa magiging anak namin ni Dahyun. Isa pa, ubos na ang savings ko."

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon