122 : Swimming

317 15 4
                                    

Dahyun's Pov :

Nang madala ko ang mga gamit namin ni Sana sa loob ng kwartong tutuluyan namin, napalingon ako kay Sana na nakapwesto lamang sa gilid ng bintana habang pinagmamasdan ang magandang tanawin ng dagat sa labas.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan siya. Hindi pa rin ako makapaniwala na muli kong makakasama si Anna sa buhay niya ngayon bilang si Sana.

Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na makasama siyang muli. Sa sobrang tagal, akala ko hindi na posibleng makasama siyang muli. Pero mukhang gumagawa ng paraan ang tadhana upang makasama kong muli ang babaeng pinakamamahal ko.

Pagmasdan lamang siya, bawing-bawi na ang tagal ng ginugol ko sa paghihintay. Hindi na maaari pang masayang ang pagkakataong ito. Hindi ko na hahayaan pang may mangyari sa kanila ng magiging anak namin sa pagkakataong 'to.

Siguro lumaki nang mabuti at mapagmahal ang anak namin ni Anna noon kung hindi siya namatay. Sobrang saya siguro naming tatlo kung nagawa ko lamang silang protektahan noon.

"Dahyun." Natigil ang pagmumuni-muni ko nang tawagin ako ni Sana.

"Ah. Ano 'yun?" Napapakamot-ulong tanong ko.

"Saktong-sakto ang pagkakataong 'to para sa ating lahat."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Pagkakataon para makapagpahinga tayong lahat mula sa mga nakaka-stress na bagay." Sagot niya kaya agad akong napatango.

"Tama ka. Sulitin nating lahat ang pagkakataong ito. Sana, Gusto kong ma-enjoy mo rin nang sobra ang bakasyon nating 'to." Lumapit ako sa kanya upang i-backhug siya na abala pa rin sa pagtingin sa view sa labas.

"Ikaw din. Gusto kong sa bakasyon nating 'to, huwag mo munang isipin ang mga bagay na bumabagabag sayo. Deserve mo rin na magpahinga."

"Basta kasama kita, siguradong mae-enjoy ko." Hinawakan niya ang kamay ko.

"Sigurado kong magiging sobrang saya mamaya nang pagsalubong natin sa birthday ni Chaeyoung."

"Pinaghandaan ko 'tong mabuti dahil gusto kong makasigurado na ito na ang pinakamasayang birthday na mararanasan ni Chaeyoung. Sa tuwing birthday niya dati, kaming dalawa lamang ang nagsecelebrate eh. Hindi siya masyadong naeexcite noon. Pero ngayon, kitang-kita ko yung magandang pagbabago." Kwento ko kay Sana na nakikinig naman sakin.

"Matanong ko lang, Dahyun. Ayos lang ba si Fairy Queen Jihyo? Sobrang tahimik kasi niya eh."

"Ah. Siguro naninibago pa rin talaga siya. Hindi pa kami nagkakausap nang tungkol sa problema niya eh."

"May problema siya?"

"Lahat naman tayo nakakaranas magkaroon ng problema. Sabihin na natin na kahit si Fairy Queen nakararanas na magkaroon ng problema."

"Hmmm. Ganun ba? Siguro kaya ganon na lamang siya katahimik. Pasensya ka na, Dahyun." Humarap si Sana sakin sabay palibot ng magkabilang braso niya sa leeg ko.

"Pasensya? Para saan?"

"Alam naman natin na sobra akong naging selosa kay Fairy Queen Jihyo. Kung minsan naiisip ko na humingi ng tawad sa pagtataray ko sa kanya eh."

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon