"Please don't cry. Don't collapse even when darkness finds you, your tears hurt me. Please don't cry after time passes. When the right moment comes, I'll go back to you. Please don't cry." 🎶🎶🎶
A/N : Malalaman niyo na yung isang tamang theory dito.
Jihyo's Pov :
Nang umalis si Dahyun, sumulpot ang May Likha. Hindi ko magawang pigilan ang aking luha.
"May likha, Bakit ganon? Bakit hindi ako nanghina nang magbigay impormasyon ako kay Dahyun? Bakit nalanta ang isang bahagi ng mga camellia flowers na nandito?" Naguguluhang tanong ko.
"Kayo ang gumagawa ng sarili niyong tadhana. Alam mo sa sarili mo kung bakit pinagdaraanan mo ang mga ito."
"Dahil nagmahal ako ng isang tao. Dahil tinalikuran ko ang responsibilidad ko. Pero bakit ganon? Bakit kailangang madamay ng iba? Bakit kailangang madamay ni Daniel?!"
"Kung ano man ang nangyayari sa kanya, hindi ako ang may kagustuhan ng bagay na 'yon."
"May likha, Ako na lang. Pakiusap. Ako na lang!" Lumuluhang sabi ko.
Maya-maya, natigilan ako nang makita si Dahyun. Hindi ko inaasahan na babalik siya. Hindi ko inaasahan na magkakaabutan sila ng May Likha. Sa mga sandaling 'yon, patuloy ang pagbagsak ng luha ko.
Sobra ang aking kaba dahil sa mga nangyayari. Agad din namang naglaho sa harapan ang May Likha bago pa siya makausap ni Dahyun. Nang lumapit sakin si Dahyun, nagdesisyon rin akong lumayo muna.
Natatakot ako na baka sa oras na muli siyang magtanong, hindi ko mapigilang umamin. Mas tumindi pa ang sitwasyon ngayon.
Hindi ko pa man kumpirmado kung bakit nagkaganoon na hindi na ako ang nasasaktan sa tuwing magbibigay ako ng impormasyon sa iba, alam kong kailangan kong mas mag-ingat sa magiging desisyon ko. Hindi ko hahayaang akunin ulit ni Daniel ang pagsasakripisyo. Hindi na ako makakapayag pa.
Alam ko ring maraming katanungan sa isip ni Dahyun ngayon. Saka na lang siguro ako magpapakita ulit sa kanya. Kailangan ko munang mapag-isa.
Naglibot-libot ako sa park upang mapag-isip nang mabuti. Maraming tao ang nagsasaya sa park, kabilang na ang mga magkakasintahan. Sa pag-upo ko sa isang bench hindi ko na napigilang alalahanin ang kinahantungan ng pagmamahalan namin ni Daniel noon.
Simula nang aminin namin ni Daniel sa isa't-isa ang aming nararamdaman, nagbitiw na siya sa pagiging sundalo ng Pamahalaan. Nagdesisyon siyang manirahan sa kagubatan kasama ko. Gumawa siya ng isang bahay-kubo na siyang titirhan namin nang magkasama.
"Ayos ka lang ba?" Tanong niya sakin nang maduwal ako. Agad kaming nagkatinginan sa mga oras na 'yon. Bigla akong kinutuban. Reyna ako ng mga Diwata. Hindi basta-basta maduduwal ang katulad ko dahil lang sa simpleng bagay.
"Jihyo." Rinig kong pagtawag ni Daniel sa pangalan ko. Agad akong napahawak sa aking tiyan.
"Daniel." Nag-aalalang pagtawag ko sa pangalan niya.
Sa paglipas ng araw, lumala pa ang pagkakaduwal na naramdaman ko kaya naman mas lalo akong nag-alala.
Nang umalis ng kagubatan si Daniel upang sandaling bumisita sa bayan, agad na sumulpot ang May Likha sa aking harapan.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfic𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...