71 : Bakit?

499 12 6
                                    

"Ano ba 'tong ginagawa natin, Anna?" Kinakabahang tanong ni Sharon kay Anna na desidido ding gawin ang ibang plano nila.

"Huwag kang maingay. Baka marinig nila tayo." Agad na nagsulat si Anna ng nais isagot kay Sharon na tumahimik din naman kaagad.

Maingat silang sumilip sa isang sulok kung saan natatanaw nila sila Dahyun at Moira. Palihim na umalis ang dalawa sakay ng kanilang kabayo.

Agad namang hinila ni Anna si Sharon nang tuluyan nang makaalis ang dalawa.

"Sandali, Anna. Susundan talaga natin sila? Baka hindi natin sila maabutan. Baka mahuli nila tayo. Baka maligaw lang din tayo. Posible ding magalit ang ama mo sa oras na magising sila nang wala tayong apat dito sa kampo." Sunod-sunod na pag-aalinlangan ni Sharon ngunit tila walang balak umatras si Anna.

"Tara na. Anong tingin mo sakin? Walang alam sa lugar namin? Kung hindi man natin sila maabutan, walang problema. Alam ko ang pasikot-sikot na dapat nating daanan." Muli siyang nagsulat sa papel upang ipakita kay Anna.

"Sige na. Sasama na ako. Sabi mo 'yan ha. Mamaya niyan mapahamak pa tayo sa ginagawa nating 'to. Baka magalit sila Dahyun satin eh."

"Nahihibang na ang dalawang 'yon. Baka mapaano sila kung hindi natin sila susundan."

"At parang nahihibang na din tayo sa pagsunod natin sa kanila."

"Ililigtas nila ang kapatid mo. Maraming nakabadyang kapahamakan sa kanila. Kailangan natin silang tulungan."

"Para sa kapatid ko, sasakay ako sa plano mong 'to."

"At para kay Dahyun at Moira."

Ikinabigla ni Sharon ang biglaang paghila ni Anna sa kanya sa kinaroroonan ng dalawang kabayo na gagamitin nilang dalawa.

"Hala. Hindi ako sanay sumakay sa kabayo, Anna." Nag-aalalang sabi ni Sharon.

"Pwes ito na ang tamang panahon para masanay ka."

"Mamaya niyan mahulog lang ako."

"Napakaduwag mo naman."

"Aba. Ako? Duwag? Mag-iingat ka sa sinasabi mo, Anna. Maaaring nahinto ang alitan nating dalawa ngunit hindi ibig sabihin noon ay pwede mo na akong sabihan nang ganyan. Baka nakakalimutan mo nagawa kong kalabanin ang Pinuno."

"Wala naman kasing kwenta 'yung Pinuno niyo. Wala akong pakialam kung amo mo siya. Basta nagsasabi lang ako nang totoo."

"Tama ka naman eh. Wala talaga siyang kwenta. Wala siyang awa. Kaya niyang gawin ang lahat para lang matupad ang mga nais niya. Naiintindihan ko naman kung bakit maraming nagagalit sa kanya."

Nang mapansin ni Anna ang lungkot na nadarama ni Sharon, minabuti niyang pigilan na ang kasama sa pag-iisip ng kung ano-ano.

"Umalis na tayo." Itinago na ni Anna ang papel at plumang hawak niya. Nagsimula na siya sa pag-alis sakay ng kabayo.

"Hoy! Hintayin mo naman ako." Nagmamadaling sabi ni Sharon sabay pilit na sakay sa kabayo ngunit nahihirapan talaga siya.

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon