20 : Pagbati

499 21 0
                                    

Dahyun's Pov:

-----

Dahan-dahan akong naglalakad palapit sa pinakamamahal ko dala-dala ang magandang bulaklak na kasing ganda niya.

"Para sayo!" Ipinakita ko sa kanya ang bulaklak na dala ko.

"Ay! Kabayo!" Nagulat siya nang sumulpot ako sa harapan niya.

"Kyulkyung! Mukha ba akong kabayo?" Nakasimangot na tanong ko sa kanya.

"Ginulat mo naman ako, Dahyun. Para sakin ba 'yang bulaklak?"

"Para sa sarili ko kasi mukha akong kabayo." Sagot ko sabay kagat-kagat sa ilang dahon ng bulaklak dahilan para mapatawa si Kyulkyung.

"Para ka talagang sira. Kung mukha ka mang kabayo, ikaw na ang pinakamagandang kabayo para sakin." Nakangiting sabi niya sabay pisil sa pisnge ko.

"Para sayo 'to." Ihininto ko na ang pakikipag-asaran sa kanya. Minabuti kong hawakan ang kamay niya para iabot sa kanya ang bulaklak.

"Palagi akong may bulaklak simula nang maging tayo ah." Masayang sabi niya sabay amoy pa sa bulaklak na ibinigay ko.

"Sinabi ko naman sayo. Hindi ako mapapagod na iparamdam sayo kung gaano ka ka-espesyal sakin."

"Binobola mo na naman ako, Dahyun. Napakabolero talaga ng mga sundalo." Sabi niya sabay ngisi pa sakin.

"Ibahin mo ko. May isa akong salita, Kyulkyung. Totoo lahat ng sinasabi ko sayo. Maaaring mapagod ako sa lahat ng ipag-uutos ng ama mo na siyang pinuno ng ating bayan pero hinding-hindi ako mapapagod na mahalin ka." Kinindatan ko pa siya dahilan para hampasin niya ako nang marahan sa braso.

"Tama na nga ang pambobola sakin. Kanina pa kita hinahanap. Ipinapatawag ka ni Ama."

"Bakit?"

"Siguro pasasamahin ka na naman sa iba pang grupo ng sundalong pupunta sa kabilang bayan upang tiyaking walang ginagawang kalokohan ang mga rebelde."

"Ganun ba? Kayang-kaya namin 'yon nila Kyungwan."

"Yabang talaga."

"Paano? Pupuntahan ko na ang ama mo na magiging ama ko rin sa tamang panahon."

"Siguradong-sigurado ah. Hahaha." Natatawang sagot niya. Akma na sana akong aalis kaso tinawag niya akong muli.

"Dahyun!"

"Ano 'yun?"

"Mag-iingat ka."

"Kayang-kaya ko 'to para sayo." Nakangiting sagot ko kaya ngumiti na lamang siya sakin.

Sa paglalakad ko papunta sa pamahalaan ng ama ni Kyulkyung na siyang nagsisilbing pinuno ng aming bayan, nakasalubong ko si Kyungwan at Nabong.

"Mukhang masayang-masaya ka na naman, Dahyun." Sabi ni Kyungwan sakin.

"Ganun talaga kapag busog na busog ang puso."

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon