61 : Kilig

668 17 3
                                    

Momo's Pov :

Naglalakad ako sa tabing kalsada matapos mag-out sa trabaho ko sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko. Pauwi na sana ako ng apartment dahil dumidilim na rin nang may matanawan akong pamilyar na babae.

"Tzuyu?" Hindi ko napigilang mapangiti nang magkasalubong kami ni Tzuyu. Nawala ang ngiti sa labi ko nang akma siyang tatalikod sakin upang umiwas.

"Sandali, Tzuyu."

"Bakit?" Wala siyang nagawa kundi lumingon sakin.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Nagsha-shopping?"

"Mag-isa?"

"Masama bang magshopping nang mag-isa?" Tanong niya sakin habang may dalang mga shopping bags.

"Hindi mo kasama si Mina?"

"May nakikita ka bang Mina sa tabi ko?"

"Ah. Wala." Agad na sagot ko sa kanya.

"Ngayon alam mo na kung kasama ko siya o hindi." Cold na pagkakasagot niya. Ang sungit na naman niya sakin.

"Highblood ka na naman."

"Nakita kasi kita."

"Grabe ka naman. Alam ba ni Mina na nagsha-shopping ka mag-isa?"

"Hindi. At ano naman sayo kung alam niya o hindi na nagshashopping ako? Isusumbong mo ko? Wala. May date si Mina Unnie ngayon kasama si Chaeyoung. Wala siyang oras para pigilan ako."

Kaya naman pala libreng-libre maggala ang babaeng 'to. Pero ang ipinagtataka ko talaga, lagi na lang mainit ang ulo niya sakin. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya eh.

"Mukhang marami kang pinamili ah. Tulungan na kita. Para sayo lahat 'yan?"

"Kaya ko na 'to. Ano naman sayo kung marami akong pinamili? Binilhan ko si Dahyun ng sunglasses. Napansin ko kasing mahilig siya don eh." Naeexcite na sagot niya sakin kaya naman napahinga ako nang malalim.

"Hindi parin ba malinaw sayo na may Sana na si Dahyun?"

"Hindi pa naman sila kasal."

"Pero Tzuyu ---"

"Malay mo magustuhan rin ako ni Dahyun."

"Magustuhan? Aish. Magkasama si Sana at Dahyun ngayon sa mansion. Mahal nila ang isa't-isa. Tzuyu, nakakainis ka."

"Ano namang kinaiinis mo sakin?" Badtrip na tanong niya.

"Basta nakakainis ka." Sagot ko sabay lakad na lang palayo sa kanya. Akala ko pa naman malinaw na sa kanya noon na wala silang pag-asa ni Dahyun. Hindi parin pala siya nakikinig.

"Momo, Sandali." Nang marinig ko ang pagtawag niya, nilingon ko siya.

"Ano 'yun? Kailangan ko nang umalis, Tzuyu. Dumidilim na. Umuwi ka na rin."

"Pwede bang bumisita sa apartment niyo?"

"Huh? Sa apartment namin?" Gulat na tanong ko sa kanya.

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon