Jihyo's Pov :
"Kumusta naman po siya?" Rinig kong tanong ni Dahyun sa doctor na dumating upang i-check si Sana.
"Maayos naman ang kondisyon niya. May nakakapagpa-stress ba sa kanya nitong mga nakaraan? Inaabisuhan ko lamang kayo na iwasan siyang mapagod o ma-stress dahil hindi makabubuti sa kanila ng bata." Sagot ng doctor dahilan para mapahinga nang malalim si Dahyun.
Matapos check up-in si Sana, ihinatid na ni Chaeyoung paalis ang doctor. Agad naman akong napansin ni Dahyun sa isang sulok.
"Kanina ka pa ba diyan?" Seryosong tanong niya sakin. Sa tingin palang niya sakin, nakasisigurado na akong mainit ang ulo niya. Naiintindihan ko naman kung bakit siya nagagalit eh.
Nagsinungaling na naman ako. Naglihim na naman ako sa kanya. Hindi ko naman ginustong ilihim sa kanya ang tungkol sa mga nalalaman nila Nayeon at Jeongyeon. Sadyang nangangamba lang ako kung dapat na bang sabihin 'yon sa kanya.
"Hi ---Hindi naman." Matipid na sagot ko sa kanya na agad na lumapit sakin.
"Bakit?" Tanong niya nang magkaharap kaming dalawa.
"Dahyun, Hindi ko ginustong maglihim na naman sayo." Sa simpleng bakit niya, alam ko na agad kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Gaano na katagal? Gaano na katagal kayong naglilihim sakin nila Nayeon? Kailan pa nila nalaman ang tungkol sa nakaraang buhay nila?!"
"Bago mo pa sila muling makasama."
"What the hell?!" Biglang sigaw niya dahilan para mangamba ako na baka magising si Sana.
"Ah. Dahyun, Mas mabuti kung sa mas tahimik na lugar tayo mag-usap." Agad ko siyang hinawakan sa kamay upang dalhin sa pwesto kung saan mas makakapag-usap kami nang maayos. Wala naman siyang nagawa kundi sumunod sakin dahil ayaw rin naman niyang magambala ang pagpapahinga ni Sana.
Nang makasiguradong nasa payapang pwesto na kami, huminga muna ako nang malalim. Alam ko sa sarili kong magiging mahirap 'to, pero eto na lang kasi ang nakikita kong paraan para matapos na ang lahat.
"May dapat pa ba tayong pag-usapan? Klaro naman na sakin na nagmukha na naman akong tanga. Gaano pa ba karaming sikreto na tungkol sakin ang meron sa inyo?!"
"Makinig ka sakin, Dahyun. May dahilan kung bakit nagdesisyon akong huwag sabihin sayo nang biglaan ang lahat."
"At ano namang dahilan 'yon? Akala ko pa naman nagkausap na tayo noon, Jihyo. Alam mo kung gaano kahirap ang sitwasyon ko. Ano ba kasing dapat kong gawin para matapos na ang lahat ng 'to?!"
"Naiintindihan ko kung bakit nagagalit ka na naman nang ganyan, Dahyun. Hayaan mo kong magpaliwanag sayo."
"Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin eh. Nadadamay na yung mag-ina ko. Nadamay na sila Jeongyeon. Mauulit na naman ba ang nangyari sa nakaraan ko? Jihyo, Hindi na pwedeng ganon!"
"Nandito ako para tulungan ka, Dahyun."
"Para tulungan ako? Tinutulungan mo ba talaga ako? Kung gusto mo kong tulungan, hindi mo ko lolokohin!"
"Hindi mo naiintindihan, Dahyun."
"Pwes ipaintindi mo sakin. Gusto kitang maintindihan. Gusto kong malaman kung bakit nangyayari ang lahat ng ito? Kung patayin ko na lang kaya ang sarili ko?!"
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fiksi Penggemar𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...