Tzuyu's Pov :
Pang-ilang araw na namin 'tong nakakulong sa loob ng bahay. Hindi ko parin talaga lubos maisip na may ganitong sikreto ang pamilya namin mula sakin.
Buong buhay ko, wala akong kaalam-alam sa katotohanan. Nang malaman kong iba ang ina ng kapatid kong si Mina, aminado akong nagulat ako.
Tila nagflashback ang lahat sa isip ko simula ng pagkabata namin ng ate ko.
Naaalala ko pa na sa tuwing may gagawin akong kalokohan noong bata ako, si Mina Unnie ang sumasalo ng mga parusang dapat para sakin.
Akala ko ganon lang talaga. Sa pag-iisip na baka natural na ate ang sumasalo sa mga kalokohan ng maa nakababatang kapatid, wala akong ginawa. Hinayaan ko lamang na tanggapin ni Mina Unnie ang lahat ng parusang dapat ay para sa akin.
Ang sama ko palang kapatid. May pinagdadaanan na si Mina Unnie, pero anong ginawa ko? Wala akong ginawa. Hinayaan ko lang siya na magsuffer.
Ngayon naging malinaw sa akin ang lahat. Malinaw na sakin kung bakit palaging si Mina Unnie ang pinapagalitan ni Dad kahit na ako naman ang madalas na may kalokohan.
Hindi ko rin agad nahalata dahil maganda naman ang relasyon ni Mom kay Mina Unnie. Sa katunayan, hindi mo nga mahahalata na magstepmother sila. Pero etong si Dad, aminado akong madalas kong mapansin na may kakaibang pagtrato siya sa ate ko.
"May problema ba, Tzuyu?" Tanong sakin ni Mina Unnie.
"Unnie, Wala naman. May mga bagay lang akong naaalala."
"Tulad ng?"
"Tulad ng kung paano mo saluhin lahat ng parusang para sakin noon."
"Wala 'yon. Huwag mo nang alalahanin 'yon. Wala kang kasalanan. Kumbaga, mas trip lang akong parusahan ni Dad."
"Kung pwede ko lang sanang ibalik ang nakaraan, hindi ko hahayaang ikaw ang parusahan ni Dad." Nalulungkot na sabi ko.
"Tzuyu, Huwag ka nang malungkot. Anak man ako sa labas, wala parin namang magbabago. Ako parin 'to. Ate mo parin ako."
"Unnie, I'm really sorry."
"For what?"
"Palagi kang nagsasuffer dahil sakin noon."
"Ano ka ba? Wala 'yun. Ate mo ko eh. Tama lang na protektahan kita."
"Pero ikaw yung nasasaktan palagi noon."
"Sanay na akong masaktan, Tzuyu. Basic na lang 'to sakin."
"Kahit na. Gusto ko paring humingi ng tawad sayo. Pangako, magiging mabuting kapatid na ako simula ngayon."
"Hindi mo kailangang i-pressure ang sarili mo, Tzuyu. Ayos lang talaga ako."
"Unnie, Basta kapag kailangan mo ang tulong ko ---nakahanda akong tumulong."
"Maraming salamat, Tzuyu."
"Sadyang nakakalungkot lang na palaging ikaw yung napaparusahan noon."
"Huwag ka na ngang malungkot, Pasaway na kapatid ko." Sabi niya sabay tabi sakin sa kama ko. Niyakap niya ako.
"Hindi ko maiwasang mapaisip nang sobra. Naaalala ko pa noong sumuway ako kila Dad para magsleep over sa bahay ng classmate ko. Ikaw yung pinarusahan nila dahil hindi mo daw ako binantayan. Pinaluhod ka nila noon sa isang bilaong munggo. I'm sorry, Unnie."
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fiksi Penggemar𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...