63 : Tadhana

516 16 26
                                    

Chaeyoung's Pov :

Abala ako sa paglilinis sa loob ng silid-aklatan ni Dahyun nang makaramdam ako nang kakaiba. Pakiramdam ko may nagmamasid sakin. Dumampi sa balat ko ang malakas na hangin na nagmumula sa bukas na bintana.

Agad akong napalunok. May multo ata dito. Dahan-dahan akong kumilos palapit sa pinto upang maghanda sa mabilisang pagtakbo ko palabas.

Bago pa ako tuluyang makalabas, agad na sumara ang pinto ng silid-aklatan dahilan para nerbyosin ako lalo.

"Ahhhhhh!" Pagpapanic ko.

"Relax." Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Fairy Queen Jihyo. Seryoso siyang nakaupo sa isang pwesto sa gilid ng bintanang nakabukas. Hinahangin ang kanyang buhok na humaharang sa kanyang magandang mukha.

"A---Anong ginagawa mo dito? Aatakihin ako sa puso dahil sayo eh." Napahawak ako sa dibdib ko habang nakatingin sa kanya na mukhang hindi man lang nag-alala kung anong pakiramdam nang halos atakihin sa puso dahil sa takot.

"Kumusta, Chaeyoung?" Seryosong tanong niya kaya naman natigil ako sa pagrereklamo kung gaano ako natakot dahil sa kanya.

"Huh?"

"Kumusta ka?"

"Ayos naman ako. Hehe." Sagot ko nang may halong awkward na tawa. Ako lang ba o masyadong seryoso ang fairy queen na 'to ngayon? Kinakabahan tuloy ako lalo.

"Mabuti kung ganon." Sambit niya sabay tayo sa kanyang kinauupuan.

"Naparito ka, Fairy Queen. Nagpapahinga sa kwarto si Dahyun."

"Pumarito lamang ako upang kumustahin kayo. Alam kong mahimbing na natutulog si Dahyun sa mga oras na 'to. Pinuntahan ko siya kani-kanina."

"Ganun po ba?"

"Kumusta naman kayo ni Mina?"

"Ah. Alam niyo rin po pala ang tungkol sa amin ni Mina."

"Oo, marami akong nalalaman tungkol sa inyo." Pinagmasdan niya ang mga bulaklak na nasa paso sa gilid ng bintana. Habang abala siya sa kanyang ginagawa, hindi ko naman mapigilang pagmasdan ang aura na pumapalibot sa kanya ngayon.

May mga paru-parong napapalipad sa paligid niya. Sa itsura niya ngayon, masasabi kong ang dyosa pala talaga niyang fairy queen.

Paano kaya sila nagkakilala ni Dahyun? Bigla ko tuloy naalala ang katanungan sa isip ni Dahyun. Sinabi niyang nitong mga nakaraan, parang nanghihina ang fairy queen. Mukhang malakas naman siya ngayon eh.

"May problema ba?" Nahinto ang pag-usisa ko sa kanya nang magtanong siya sakin.

"Po? Wala naman po. Hehe."

"May bumabagabag ba sa iyong isipan, Chaeyoung?"

"Pwede po kong magtanong?" Panimula ko.

"Oo naman. Ano 'yun?"

"Paano po kayo nagkakilala ni Dahyun?"

"Mahabang kwento. Matagal na panahon na rin ang nakalipas. Hindi madaling ipaliwanag, Chaeyoung."

"Ayos lang po. Ah. Pwede pa pong magtanong?"

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon