Sana's Pov :
"Salamat, Chaeyoung." Pagpapasalamat ko kay Chaeyoung matapos makalabas ng kotse.
"Wait, Sana."
"Hmmm?"
"May gusto lang sana akong sabihin sayo." Agad na lumapit si Chaeyoung sakin.
"Ano 'yun?"
"Huwag mo sanang saktan si Dahyun." Natigilan ako sa sinabi niya sakin.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Sana ikaw na nga yung hinihintay niya para tuluyan na siyang maging masaya."
"Chae---Chaeyoung."
"Nakikita ko kung gaano mo siya napapasaya. Huwag ka sanang sumunod sa ibang tao na dumating lang sa buhay niya para iwanan siya."
"Pangako. Hindi ko siya sasaktan. Kung ano man 'yung meron saming dalawa, mananatiling totoo." Kalmadong sagot ko kay Chaeyoung.
"Paano? Mauna na ako." Akma na sanang aalis si Chaeyoung nang biglang may pumasok na ideya sa aking isipan.
"Sandali, Chaeyoung."
"Ano 'yun?"
"Kilala mo ba si Kyulkyung?" Direkstyuhang tanong ko sa kanya. Napansin ko naman bigla siyang natigilan.
"Si Kyulkyung? Bakit mo naman natanong?"
"Curious lang ako sa kanya. Kilala mo ba siya?"
"Nababanggit siya ni Dahyun sakin noon."
"Matagal na ba silang hiwalay ni Dahyun?" May pagtitiwala ako kay Dahyun. Pero hindi ko talaga maiwasang macurious kay Kyulkyung.
"Nakwento ni Dahyun sayo si Kyulkyung?"
"Napag-usapan namin kanina bago mo ko ihatid."
"Ganun ba? Ex 'yun ni Dahyun eh."
"Hmmm. May iba ka pa bang alam tungkol sa kanya?"
"Ah. Matagal na panahon na silang wala ni Kyulkyung. Alam ko --- sobrang nasaktan si Boss kay Kyulkyung eh. Ay! Bakit nga ba sinasabi ko sayo? Pasensya na, Sana. Masyado na naman akong naging madaldal. Lagot na naman ako nito kay Dahyun." Napapakamot-ulong sagot ni Chaeyoung sakin.
"Ganun ba? Bago ka nga pala umalis, may gusto rin akong sabihin sayo."
"Ano 'yun?" Tanong sakin ni Chaeyoung.
"Huwag mo sanang paiiyakin si Mina. Matalik na kaibigan ko 'yon. Umayos ka kung ayaw mong masaktan." Nakangiting sagot ko sa kanya.
"Ah. Eh. Bakit parang may halong pagbabanta sa buhay ko?"
"Oy! Hindi kita pinagbabantaan eh. Sinasabihan lang kita para aware ka." Nakangiti paring sagot ko sa kanya.
"Ganun ba? Oh sige. Aalis na ako." Nagmamadali niyang sabi sabay sakay na sa kotse para umalis. Nang makaalis si Chaeyoung, dahan-dahan na akong pumasok sa loob ng apartment.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
أدب الهواة𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...