106 : Laban

297 16 11
                                    

Sa kampo ng mga rebelde, ni hindi parin magawang tiyempuhan ni Anna ang pagkakataon na makausap si Dahyun sapagkat palagi itong abala sa pagsasanay.

"Gusto mo kausapin ko na si Dahyun?" Tanong ni Sharon kay Anna na malungkot na nakaupo sa isang tabi sa kampo.

"Hindi na, Sharon. Ayos lang ako. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon."

"Sabihin mo na kaya sa kanya ang tungkol sa ipinagbubuntis mo?"

"Sa tingin ko, hindi ito ang tamang panahon. Ayokong mag-alala siya sakin. Baka imbes na magsanay, manatili siya sa tabi ko."

"Mas mabuti nang manatili siya sa tabi mo, Anna. Magkakaanak na kayo. Sobrang delikado ng pinaghahandaan nila Dahyun. Maraming posibilidad na mangyari sa kanila."

"Nagtitiwala ako kay Dahyun. Alam kong kakayanin niya. Sa oras na matapos na ang lahat nang ito, sasabihin ko na sa kanya."

"Sige. Nirerespeto ko ang desisyon mo, Anna. Basta nandito lang ako para sa inyo." Tumango na lamang si Anna kay Sharon bilang sagot.

Ngumiti na lamang si Sharon kay Anna upang ipahayag na magiging maayos din ang lahat. Pero sa loob-loob niya, sobra rin siyang nakakaramdam ng kalungkutan.

Umaasa siyang muling makakasama ang kapatid na si Kyulkyung. Wala na siyang balita sa kanyang kapatid. Ni hindi niya alam kung ano na bang nangyari kay Kyulkyung.

Marami siyang nais itanong sa kanyang kapatid katulad na lamang ng pangtatraydor nito kay Moira. Para sa kanya, hindi kayang gawin 'yun ni Kyulkyung. Hindi masamang tao ang kanyang kapatid.

Bagamat napupuno ng pagkabahala, pinilit ni Sharon na manatiling kalmado. Kailangan niyang mag-isip nang mabuti kung paano maililigtas ang kanyang kapatid. Kailangan niyang magpakatatag. Kailangan niyang lumaban.

Bigla niyang naalala ang mga napag-usapan nila ni Tatang Jinyoung. Isang malaking tulong sa pagpapalakas ng loob niya ang pagtitiwala ni Tatang Jinyoung na kakayanin niyang ibalik sa ayos ang lahat.

At 'yun ang gagawin niya. Hindi siya hihinto hanggang sa makamit na niya ang kapayapaan na inaasam niya. Kailangan nang mawakasan ng kasamaan ng kanyang ama na kahit kailan ay hindi siya inituring na tunay na anak.

Sa Pamahalaan, nagluluksa pa rin si Kyulkyung sa pagkawala ni Moira. Hindi pa rin niya matanggap na wala na ang kaisa-isang tao na naniniwala sa mga kakayahan niya. Wala na ang taong pinakamamahal niya. Wala na si Moira.

Walang ginawa si Kyulkyung sa kanyang kwarto kundi umiyak nang umiyak. Maya-maya, pumasok ang isang sundalo na may dalang pagkain.

"Prinsesa, Ipinag-uutos ng Pinuno na kainin niyo na ang inyong pagkain." Sambit ng sundalo bago tuluyang lumabas muli.

Napatingin na lamang si Kyulkyung sa pagkain. Ngunit muling nabalik sa pag-iisip kay Moira ang kanyang atensyon.

"Mahal ko si Moira." Lumuluhang pagkakasabi niya habang nakaupo sa sulok ng kwarto.

"Gusto pa rin talaga kita."

Naalala niyang muli ang salitang binitawan ni Moira sa kanya. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa sakit ng pagkawala ni Moira.

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon