Sana's Pov :
Pagmulat ko ng aking mata, isang panibagong araw na naman ang nakaabang. Nang makabangon ako mula sa pagkakahiga sa kama, binuksan ko na ang bintana.
Habang nag-iinat ako sa harapan ng bintana, sandali akong natigilan. Tama ba 'yung nakikita ko? Si Dahyun ba 'yon? Agad kong kinusot ang aking mata bago tingnang muli ang nakita kong tao na nakatayo sa labas ng apartment.
Ngunit nang tingnan kong mabuti, wala na siya. Namamalikmata lang ba ako? Dahil ba bagong gising lang ako? Hindi ko alam. Baka nga inaantok pa ako kaya kung ano-ano nang nakikita ko.
Palibhasa hindi ko kasi makalimutan yung huling beses na kasama ko si Dahyun. Hindi ko alam kung bakit humantong kami sa ganoong sitwasyon.
Pilit kong kinakalimutan ngunit hindi ko talaga mapigilang alalahanin 'yon. Para na akong masisiraan ng ulo sa kakaisip sa bagay na 'yon. Ilang araw na rin ang nakalipas matapos ang nangyaring 'yon. Hindi ako makatulog nang ayos sa kakaisip.
Hindi rin kaya niya makalimutan 'yon? Nakakatulog kaya siya nang maayos? Hindi ko tuloy alam kung paano siya haharaping muli. Medyo nahihiya ako na ewan eh. Parang ang awkward kasi kapag pinuntahan ko siya sa mansion.
Anong sasabihin ko sa kanya kapag tinanong niya ako kung bakit nandoon na naman ako sa mansion niya? Alangan namang sabihin ko na namimiss ko siya o gusto ko siyang kasama. Ang weird ng ganon. Wala naman 'to sa mga plano ko. Gusto ko lang namang maliwanagan sa mga kakaibang bagay na nasaksihan ko sa kanya.
Minabuti ko na lamang na mag-ayos na muna ng sarili. Naabutan ko si Momo na nagluluto ng agahan.
"Gising ka na pala, Sana." Sabi ni Momo nang puntahan ko siya sa kusina.
"Himala. Ang aga mo namang maguto ng agahan ngayon. Mukhang malaki ang swelduhan mo sa restaurant ngayon ah." Dagdag ko pa sa kanya.
"Maupo ka na nga lang diyan sa dining area. Maluluto na 'to." Sagot niya kaya tumango na lamang ako.
Ang weird na hindi nangutang o nanghingi sakin si Momo ngayon ng pambili ng agahan namin. Magandang balita.
"Ang weird mo ngayon, Momo." Sabi ko sa kanya ngunit nginitian lamang niya ako.
"Kumain ka na nga lang."
"Maraming salamat. Sana palagi kang ganyan." Sabi ko sabay kain na ng agahan na bacon with rice and egg kasabay niya. Sa kalagitnaan ng pagkain namin, naisipan kong magtanong sa kanyang muli.
"Sana palaging ikaw naman ang gumastos para sating dalawa. Nice one, Momo." Sabi ko sa kanya habang kumakain kami.
"Si Dahyun ang nagbigay nito. Wait. Are you okay, Sana?" Bigla akong nabulunan nang marinig ko ang pangalan ni Dahyun.
"Anoooooo?!" Pasigaw na tanong ko nang makainom ako ng tubig.
"Huh?"
"Ulitin mo nga ang sinabi mo."
"Si Dahyun ang nagbigay nito." Ulit niya dahilan para mapa-facepalm ako.
"Paanong si Dahyun ang nagbigay ng mga 'to?" Gulat na tanong ko sa kanya na napakamot-ulo.
"Pumunta si Dahyun kanina. Iniabot niya sakin ang mga 'to. Para daw sayo."
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...