Dahyun's Pov:
Nang maubos ang inititindang mga ukay-ukay ni Sana, nagdesisyon kaming magpahinga muna sa isang bench sa school upang makapagpahinga sandali.
"Sa wakas, tapos na ang trabaho ko para sa araw na 'to." Sabi ni Sana sabay punis sa pawis niya. Halatang nastress siya sa pagtitinda kanina.
"Sandali lang. Diyan ka muna." Agad na akong tumayo.
"Saan ka pupunta?"
"Basta hintayin mo ko diyan." Sagot ko sabay lakad na upang hanapin kung saan ang canteen ng school na kinaroroonan namin ngayon. Nang mahanap ko ang canteen, bumili ako ng dalawang bottled water at dalawang biscuit.
Nang balikan ko si Sana, naabutan ko siyang may kausap na bata.
"Bakit hindi ka pa umuuwi, Neng? Hapon na eh." Rinig kong tanong ni Sana sa batang babae na katabi niya.
"Hinihintay ko pa po ang mama ko. Susunduin niya po ako eh." Sagot ng bata kay Sana. Nanatili ako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan silang mag-usap. Akma na sana akong lalapit nang magsimulang magkwento si Sana sa bata ng tungkol sa magulang niya.
"Ah. Naalala ko tuloy yung magulang ko. Sinusundo din nila ako kapag uwian ko na galing school. Mahirap lang ang buhay namin noon pero ni minsan hindi nila ipinaramdam sakin yung hirap noong nabubuhay pa sila." Kwento ni Sana sa bata.
"Wala na po kayong magulang?"
"Oo, maaga rin silang nawala. Maaga akong naulila kaya maaga rin akong namulat kung gaano kahirap mamuhay nang mag-isa pero hindi ko naman sila sinisisi. Sobrang nagpapasalamat pa nga ako sa maayos na buhay na naibigay nila sakin noon. Wala eh, ganyan talaga ang buhay." Hmmm. Kaya pala pinasok niya ang pagtitinda ng ukay-ukay. Kaya pala ganyan siya kapursigi sa pagbebenta kanina. Sarili na lang pala talaga niya ang inaasahan niya.
"Ganun po ba? Kawawa naman po pala kayo."
"Ayos lang ako, Neng. Basta tatandaan mo na palagi kang magpapasalamat sa magulang mo. Okay?"
"Sige po. Nandiyan na po si mama. Aalis na po ako, Ate." Pagpapaalam ng bata sabay takbo sa mama niyang kadadating lamang. Nang makaalis na ang bata kasama ng mama niya, linapitan ko na si Sana.
"Here." Alok ko sa kanya ng tubig at tinapay.
"Para sakin?"
"Oo. Ayaw mo?"
"Himala." Rinig kong sagot niya sakin.
"Anong himala?"
"Ang bait mo ata sakin ngayon."
"Masama bang magbigay ng pagkain at inumin? Kung ayaw mo, eh di wag." Babawiin ko na sana ang ibinigay ko sa kanya.
"Thank you." Sabi niya sabay kagat sa tinapay dahilan para mapailing na lang ako.
"Kumusta ang chismisan niyo ng batang kausap mo kanina?" Tanong ko sa kanya.
"Bakit mo naman natanong?"
"Narinig ko yung mga ikinuwento mo sa bata. Mag-isa ka na lang ba talaga sa buhay?"
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...