17 : Ingat

586 17 8
                                    

Tzuyu's Pov:

"Hi." Napatingin ako nang masama kay Momo na biglang nagsalita sa tabi ko nang makalayo kami kila Mina Unnie.

Napakawalang-hiya ng kapatid ko. Sasabi-sabi nang ihahatid na ako pauwi tapos nang may dumating na maliit kasama ng iba pang maliliit, biglang nagbago ang isip.

"Tzuyu." Nagsalita ulit si Momo. Inirapan ko lang siya.

Dapat ba akong matuwa na nandito parin ako sa party? Parang hindi na ako natutuwa eh. Sino ba naman kasing matutuwa kapag may umaaligid sayong sira-ulo?

"Pansinin mo naman ako, Tzuyu." Rinig kong sabi ni Momo kaya napahinga na lang ako nang malalim bago tuluyang lumakad palayo sa kanya.

"Oy!" Nanlaki ang mata ko nang bigla niyang hawakan ang kamay ko para pigilan akong makalayo sa kanya.

"Ano ba? Don't touch me!" Tiningnan ko siya nang masama.

"Kabilin-bilinan ng kapatid mo, huwag kitang iiwanang mag-isa. Babantayan kita."

"Eh ano? Kailangan mo bang sundin ang utos niya? May sarili ka namang desisyon eh. Kaya ko ang sarili ko."

"Paano kung desisyon ko ngang bantayan ka?" Sagot niya sakin kaya mas nag-init ang ulo ko.

"Pwede ba? Lubayan mo na ako. You're so kaderder."

"Kaderder?" Clueless na tanong niya.

"Kadiri!" Initulak ko siya palayo sakin.

"Ako? Kadiri? Bakit naman? Naliligo naman ako araw-araw. Hindi naman mabaho ang hininga ko." Nagtatakang tanong niya sabay amoy pa sa hininga niya kaya hindi ko naiwasang mapalingon sa paligid kung may nakakakita ba sakin na kasama ko siya.

"Ang weird mo kasi!"

"Weird?"

"Tama na ngang tanong, Momo. Doon ka na kila Sana. Iwanan mo na ako."

"Kala mo ba mapapaalis mo ko sa kakaganyan mo? Nagkakamali ka, Tzuyu. I'll stay by your side. Babantayan kita hanggang sa maisipan mo nang umuwi."

"Aish. Bwisit ka talaga kahit kailan, Momo!"

"Bwisit na kung bwisit. Enjoy, Tzuyu." Mapang-asar pang sabi niya kaya naman minabuti ko na lang na isiping hindi ko siya kasama.

Nakipagsayawan ako sa iba't-ibang klase ng tao sa dance floor. Hanggang sa may biglang lumapit saking lalaki.

"Hi." Nakangiting bati niya sakin habang sumasayaw kami.

"Oh. Hello." Napangiting bati ko rin.

"How are you, Babe? My name is Mingyu." Tanong niya sabay hawak sa bewang ko.

"I'm f---" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, biglang sumulpot si Momo.

"Lumayo ka sa kanya." Sabi ni Momo sabay tulak palayo sa lalaki.

"Oh! Sino ka ba?!" Inis na tanong ng lalaking nakasayawan ko.

"Bantay niya. Papalag ka?!" Matapang na sambit ni Momo sa kanya.

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon