Sana's Pov :
"Oh. Saan ka na naman pupunta nang ganito kaaga, Sana?" Bungad sakin ni Momo bago pa ako makalabas ng apartment dala ang malaking bag na pinaglalagyan ko ng mga inititinda kong ukay-ukay.
"Matagal-tagal na rin kasi noong huling beses akong nakapagtinda. Kailangang magsipag para kumita nang maganda."
"Bakit hindi ka na lang kasi humingi kay Dahyun kung kailangan mo ng pera?"
"Sira ulo ka talaga! Ano tingin mo sakin? Mukhang pera? Tadyakan kita eh." Bwisit na sabi ko kay Momo na agad namang napaiktad palayo dahil akma kong ihahagis sa kanya ang malaking bag na bitbit ko.
"Chill, Sana. Wala naman akong sinasabing ganon. Masyado kang defensive. Charot lang. Hehehe." Napatingin ako nang masama kay Momo na napa-peace sign sakin.
"Hindi ko naman kailangang humingi kay Dahyun. Wala siyang responsibilidad na rasyunan ako ng pera. Kaya ko ang sarili ko. Eh ikaw? Anong tinutunga-tunganga mo dito? Wala kang trabaho? O baka naman pinatalsik ka na kasi tamad ka?" Pambawi ko sa kanya na agad namang napakamot-ulo.
"Yun na nga eh. Tinanggal ako sa trabaho. Masipag naman ako."
"Masipag? Sapakin kaya kita diyan. Alam na alam ko na 'yang galawan mo. Palagi ka na lang natatanggal sa trabaho. Anong balak mo ngayon?"
"Maghahanap ng trabaho. Kapag wala pa akong mahanap, tambay na muna." Nakangiti pang sagot niya kaya naman napahinga ako nang malalim.
"At paano ka naman magbabayad ng share mo sa apartment na 'to?"
"Ah. Ikaw muna magbabayad."
"Bwisit ka talaga! Diyan ka na nga. Sinisira mo ang umaga ko eh." Hindi ko na napigilang batuhin siya ng throw pillow. Ano pa bang magagawa ko? Nandiyan na 'yan eh. Paano ba titino 'tong kaibigan ko?!
Minabuti ko na lang na lumabas upang umalis na. Buhat-buhat ko ang malaki at mabigat na bag. Kailangan kong pumara ng taxi. Sana, kaya mo 'yan. Laban lang. Kailangan kong manatiling positibo. Sisiguraduhin kong kikita ako nang maganda para sa araw na 'to.
Nang makasakay ako sa taxi, nagpahinga na muna ako sa kalagitnaan ng biyahe. Sumilip na lamang ako sa view sa labas ng bintana. Hindi ko maiwasang mapaisip sa iba't-ibang bagay. Nananatili paring palaisipan sakin ang napanaginipan kong kakaiba.
Totoo nga kaya si Anna? Totoo ba ang panaginip kong 'yon o gawa-gawa lamang ng mapaglaro kong isipan? Hindi kasi ako mapakali. Imposible kasi eh. Mukhang makalumang panahon ang nasa panaginip kong 'yon. Nandito kami ngayon sa modernong panahon.
Ano 'yon? Hindi tumatanda si Dahyun? Matagal nang nabubuhay? Kalokohan. Sa kdrama ko lang nakikita 'yon eh. Kung ano-ano nang pumapasok sa isip ko eh. Palibhasa hindi ako nakapagbreakfast sa kakamadali. Mamaya na lang ako kakain kapag may kita na ako.
Nang makababa ako sa taxi, minabuti ko nang pumasok sa paaralang madalas kong puntahan kung saan marami akong suki na guro. Bumibili sila ng paninda ko noon sa tuwing breaktime.
"Mga momshies!" Pagbati ko sa kanila.
"Sana, ngayon ka lang ulit napabisita." Pagsalubong sakin ng isa sa mga guro.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...