Chaeyoung's Pov :
Akma na sana akong paalis ng mansion upang makipagkita kay Mina ngayong araw nang maabutan ko si Dahyun na tahimik lamang na nakaupo sa sofa sa living room. Mukhang malalim na naman ang iniisip niya.
Nagalit kaya siya sakin dahil hindi ko naibigay sa kanya agad yung inuutos niyang bulaklak galing sa flower farm? Simula nang umuwi siya galing kila Sana, tila ang lalim na ng iniisip niya.
Minabuti kong lapitan muna siya para alamin kung ano ba talagang dahilan ng sobrang pagkatahimik niya.
"Ahem. Ahem. Ahem." Napatingin sakin si Dahyun.
"Saan ang punta mo, Chaeyoung?" Tanong ni Dahyun sakin kaya naman naupo na muna ako sa sofa sa harapan niya.
"Makikipagkita ako kay Mina. Day-off kasi niya. Lalabas kami. Gusto niyong sumama ni Sana?"
"Hindi na muna siguro." Matamlay na pagkakasagot niya sakin.
"Nag-away ba kayo ni Sana?"
"Hindi naman. Ayos naman kami ni Sana. Sadyang maraming bagay lang ang bumabagabag sa isipan ko ngayon."
"Tulad ng?"
"Tulad ng mga nangyari sa nakaraan na posibleng maulit ngayon."
"Hmmm. Ano ba talagang inaalala mo?"
"Nag-aalala ako para kay Sana na dating si Anna."
"Anna?"
"Ngayong naaalala ko na muli si Anna, bumabalik sa isipan ko lahat ng nagawa kong pagkukulang sa kanya noon. Hindi siya umalis sa tabi ko noong panahong kailangang-kailangan ko siya. Pero anong ginawa ko? Hindi ko siya nagawang protektahan. Nagawa ko pang kalimutan ang lahat-lahat ng meron saming dalawa. Matagal na panahong inisip kong si Kyulkyung ang huling babaeng minahal ko nang totoo, ngunit ngayon --- alam ko nang mas nangibabaw sa puso ko si Anna."
"Si Anna si Sana?"
"Tama. Siya nga. Sinong mag-aakala na ganito ang kahahantungan ng lahat? Hindi lang si Sana ang may nakaraang buhay na nagmula sa nakaraan ko."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Panahon na rin siguro para malaman mo, Chaeyoung."
"Ang alin? Akala ko si Nayeon at Jeongyeon lang eh."
"Bahagi rin ng nakaraan ko si Mina at Momo."
"Si Mina at Momo?"
"Sharon ang pangalan ni Mina sa nakaraan ko. At si Momo, siya si Moira."
"Pwede bang malaman kung anong meron si Sharon sa nakaraan mo?" Interesadong tanong ko kay Dahyun.
"Nakatatandang kapatid ni Kyulkyung. Anak sa labas ng pinuno ng aming pamahalaan. Naging mabuting kaibigan naman si Sharon samin noon. Wala kang dapat ipag-alala, Chaeyoung."
"Ga---Ganun ba? Mabuti naman kung ganon. Nag-alala lang ako bigla."
"Huh? Bakit naman?"
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...