146 : Living Proof

685 14 31
                                    

"Tell me something, but say it with your hands slow. When you touch me, paint me like a Van Gogh. I wanna study every inch of you. 'Til you trust me to make the angels come through." 🎶🎶🎶

Dahyun's Pov :

Malalim na ang gabi nang dumating kami sa mansion.

"Welcome back, Dahyun." Nakangiting sabi sakin ni Sana nang makapasok ako sa loob.

"Parang buhay na buhay ang vibe ng mansion ngayon kumpara noon." Nasabi ko na lamang habang lumilingon-lingon sa paligid hanggang sa mapansin ko na nakatingin sakin ang mga nagtatrabaho sa mansion.

"Ah. May problema ba, Dahyun?"

"Wala naman. Siguro nagtataka yung mga nagtatrabaho dito kung sino ako. Napapatingin sila sakin eh."

"Kilala nila kung sino ka." Agad na sagot ni Sana dahilan para mapaisip ako.

"Kilala nila ako?"

"Sumama ka sakin. May ipapakita ako sayo." Hinawakan niya ang kamay ko't isinama ako kung saang parte ng mansion. Nang huminto kami, bumungad sa harapan ko ang malaking picture frame kung saan kasama ko si Sana.

"Nagdisplay ka pala ng picture natin." Ikinatutuwa ko na kahit wala ako dito sa mansion, hindi pa rin ako nakalimutan ni Sana.

"Kaya kilala nila kung sino ka kahit ngayon ka pa lang nila makakasama nang personal." Dagdag ni Sana bago tuluyang dumako ang paningin ko sa iba pang picture frame na nakadisplay sa pader.

Nakuha ng picture frame ni Sana kung saan buhat-buhat niya ang baby namin ang atensyon ko.

"Siya na ba si hatdog?"

"Oo. Siya ang anak natin, Dahyun. Hindi na ako makapaghintay na palitan ang picture frame na 'yan ng bago kung saan kasama ka na naming dalawa."

"Hindi na rin ako makapaghintay, Sana. Nasaan si hatdog? Gusto ko siyang makita nang personal." Naeexcite na sabi ko kaya naman isinama na ako ni Sana sa kwarto kung saan naroon ang anak naming dalawa.

Nang pumasok kami sa loob, bumungad samin ang Yaya ni Hatdog.

"Hello po, Ma'am Sana. Hello din po sa inyo. Kung 'di po ako nagkakamali, kayo po si Dahyun? Mabuti naman po't nakabalik na kayo. Welcome back. Ako po si Kimberly, ang yaya ni Hatdog." Pagbati niya sakin bago tuluyang lumabas ng kwarto.

"Sabi ko naman sayo alam na nila kung sino ka. Palagi ko kasing sinasabi sa kanila na darating ang panahon na babalik ka. At heto, bumalik ka nga talaga." Proud na pagkakasabi ni Sana sakin.

"Maraming salamat sa pagtitiwala at paghihintay, Sana." Napakaswerte ko dahil kay Sana. Hindi lahat nakakayang maghintay nang matagal. Hindi lahat nagtitiyaga kahit gaano kahirap.

"Ano pang hinihintay mo? Nasa harapan mo na si Hatdog." Sambit ni Sana kaya naman agad nang napunta sa anak namin ang atensyon ko.

"Pwe ---Pwede ko ba siyang buhatin?"

"Pwedeng-pwede." Sa puntong 'yon, marahan kong binuhat ang anak kong mahimbing na natutulog. Ilang segundo pa lang ang nakakalipas, naging emosyonal na kaagad ako.

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon