Mina's Pov :
Sa pagdating namin sa bahay, hindi ko alam kung bakit ang bigat ng pakiramdam ko.
"Magpahinga po muna kayo, Mom." Sabi ni Tzuyu kay Mom na kalalapag pa lamang ng maleta niya sa living room.
"Ah. Pwede bang kayo muna ni Tzuyu ang mag-asikaso sa mga gamit ng Dad niyo?" Biglang tanong samin ni Mom.
"Bakit po? May pupuntahan po kayo?" Tanong ko kay Mom na agad na napatango sakin.
"May mga kailangan pa akong asikasukin sa business natin. Babalik din agad ako. Maligo lang muna ako bago ko umalis."
"Hindi po ba pwedeng ipagpaliban 'yon, Mom? I mean, sigurado po akong pagod kayo sa biyahe. Mamaya niyan magkasakit kayo." Concern na sabi ko.
"Kailangang-kailangan nang maayos 'yun eh. Lalo pa't gulat na gulat ngayon ang business partners natin sa biglaang pagkawala ng Dad niyo." Stressed na sagot ni Mom samin.
"Hatid na kita, Mom. Galing kang mahabang biyahe eh." Sabi naman ni Tzuyu.
"Hindi na, Tzuyu. Kaya ko naman magdrive. Huwag kayong mag-alala. Ayos lang ako."
"Sigurado po kayo?" Paninigurado ni Tzuyu kaya naman tumango kaagad si Mom.
"Dito na muna kayong dalawa. Ibibilin ko muna sa inyo ang pag-aasikaso ng mga gamit ng Dad niyo. Kapag tumawag yung punerarya, kayo na muna ang kumausap." Bilin niya samin.
Habang abala si Tzuyu sa pag-aayos, napadaan ako sa kusina kung saan nagtungo si Mom. Sumilip ako sa gilid ng pader upang tingnan siya. Nakita kong naghilamos siya ng mukha.
Maya-maya, umupo siya sa upuan sa dining room kung saan panandalian siyang nanahimik. Wala siyang ibang ginawa. Nakaupo lang siya doon. Tila malalim ang iniisip niya.
Maya-maya, bigla na siyang humikbi kasabay ng pagbagsak ng luha niya. Hindi ko gustong nakikita siyang nasasaktan. Hindi man siya ang tunay na nanay ko, ipinaramdam niya pa rin sakin na hindi ako naiiba sa kanya. Alam kong sobra siyang nasasaktan sa pagkawala ni Dad pero pinipilit pa rin niyang magpakatatag.
Nang huminto siya sa pag-iyak, nagtago akong muli sa gilid. Dumiretsyo na siya sa bathroom upang maligo bago tuluyang umalis para asikasuhin ang mga bagay-bagay sa business ng pamilya namin.
"Mina Unnie, Tumatawag yung punerarya. Kausapin ko muna. Okay?" Pagpapaalam sakin ni Tzuyu bago tuluyang umalis sa harapan ko.
Minabuti kong pumunta na muna sa kwarto nila Mom at Dad. Unang hakbang ko pa lang papasok, sobrang bigat na ng pakiramdam ko.
Sinong mag-aakala na hahantong sa ganito ang lahat? Binuksan ko ang ilaw. Naglakad-lakad ako sa loob. Nakabibingi ang sobrang katahimikan.
Huminga muna ako nang malalim bago tuluyang ayusin at isalansan ang mga gamit sa loob ng kwarto nila. Ngayon lang ata ulit ako nakapasok sa kwarto nila Dad. Pinagbabawalan niya kasi kaming pumasok dito sa loob. Hindi ko alam kung bakit. Basta sinunod na lang namin upang maiwasan ang alitan.
Sa kalagitnaan ng paglilinis ko, binuksan ko ang isang drawer sa ilalim kung saan may nakita akong isang kahon. Alam kong masamang mangialam ng gamit ng iba pero hindi ko maiwasang macurious dahil nakita ko ang pangalan ko.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fiksi Penggemar𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...