88 : Kaba

380 12 24
                                    

Chaeyoung's Pov :

Nang makarating kami sa labas ng bahay nila Mina, bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Oh. Hawakan niyo 'yang mga bulaklak niyo. Gagawin niyo pa akong tagabitbit." Agad na iniabot samin ni Dahyun ang bulaklak para kina Tzuyu at Mina.

"Kinakabahan ako." Mabilis na sagot ko sabay hinga nang malalim.

"Ready na kayo?" Seryosong tanong ni Dahyun samin. Napatango na lamang kami ni Momo bilang sagot. Nang magdoorbell si Dahyun, biglang nangatog ang magkabilang tuhod ko.

"Kayo na lang kaya ang pumasok? Hihintayin ko na lang kayo sa kotse. Pakiabot na lang 'tong bulaklak kay Mina." Akma na sana akong aatras nang hatakin ako pabalik ni Dahyun.

"Nandito na tayo eh. Parang kanina katapang-tapang mong pumunta dito tapos ngayon aatras ka. Huwag kang kabahan. Para saan pa ang pagsama ko sa inyo?" Napakamot-ulo na lamang ako dahil may punto si Dahyun.

Bago pa ako makapagdesisyong umatras nang muli, agad nang humarap samin ang isa sa maid na nagtatrabaho sa bahay nila Mina.

"Sino po kayo? Ano pong kailangan niyo?" Tanong ng maid samin.

"Ah. Mga bisita kami nila Mina at Tzuyu. Pwede ba silang makausap?" Sagot ni Dahyun para sa amin ni Momo na kinakabahan sa mga oras na 'to.

"Nasa loob sila ng kwarto nila. Nagpapahinga po." Sagot ng maid sabay usisa sa amin.

"Pwede kaming pumasok sa loob?" Agad na tanong ni Momo sa maid.

"Nako. Hindi po pwede. Wala po dito ang Dad nila. Mapapagalitan po ako. Kabilin-bilinan ng Dad nila na huwag na huwag silang palalabasin ng bahay o papapasukin ng kahit sinong bisita." Dahilan ng maid samin.

Hindi pwedeng masayang ang paghahanda namin na 'to. Gusto ko nang makita si Mina.  Sigurado kong gusto na rin niya akong makita.

"Pero ---" Bago pa matapos ni Dahyun ang sasabihin, lumakad na ulit papasok sa loob ang maid.

"Pasensya na po."

Nang maiwan kaming tatlo sa labas, nagkatinginan kami. Napahikbi ako kay Dahyun.

"Paano 'yan? Mukhang hindi tayo matutuloy." Napakamot ulo na lang si Dahyun samin.

"Hindi pwede." Nagulat kami kay Momo na biglang nagsalita na tila ba may binabalak gawin.

"Momo, Anong ---" Bago pa namin siya mapigilan, tinadtad na niya ng pindot ang doorbell kaya naman wala nang nagawa ang maid kundi harapin kaming muli.

"Hindi po talaga pwede." Ulit samin ng maid na nakukulitan na.

"Miss ko na si Tzuyu eh!" Desididong sagot ni Momo sa maid.

"Kapag hindi pa po kayo huminto, mapipilitan akong tumawag ng pulis para hulihin kayo." Banta ng maid kaya naman bigla akong kinabahan.

Trip to kulungan pa ata ang mangyayari samin mamaya.

"Papapasukin mo sila o tatalon ako dito?!" Nagulat kaming lahat sa baba nang makita si Tzuyu na nakapwesto sa may balcony.

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon