45 : Stress

703 18 14
                                    

Tzuyu's Pov:

"Huwag niyo nga akong isali sa trip niyong dalawa. Si Dahyun ang pinunta ko dito." Nagpumilit akong makahawal mula sa pagkakahila sakin nila Chaeyoung at Momo papunta sa likod ng mansion kung saan may nakahanda nang table.

"Pwede ba, Tzuyu? Tumahimik ka muna." Saway sakin ni Momo.

"Bwisit ka talaga, Momo!"

"Magbehave nga kayong dalawa diyan. Maupo muna kayo. Ihahanda ko lang ang pagkain niyo." Awat samin ni Chaeyoung na agad rin namang umalis sa harapan namin.

Napatingin ako nang masama kay Momo na nakatitig sakin.

"Anong tinitingin-tingin mo?!" Inis na tanong ko sa kanya.

"Masama bang tumingin?" Sagot niya sakin.

"Oo. Lalo na kapag ikaw ang tumitingin sakin nang ganyan."

"Bakit ba ang init ng dugo mo sakin?"

"It's just --- lahat ng ginagawa mo nakakainis!"

"Inaano ba kita?"

"Bakit ba kasi nandito ka rin?" Naiiritang tanong ko.

"Masama bang pumunta dito? Ikaw lang ang pwedeng pumunta dito? Jowa ka ba ni Dahyun? Diba hindi. Tingnan mo nagulat nga si Chaeyoung nang makita ka kanina."

"Eh ano naman sayo? Pakialam mo?"

"Alam mo --- dapat talaga isinusumbong ka sa ate mo eh."

"Isumbong mo!"

"Ano ba kasing pakay mo kay Dahyun? Stalker ka ba niya? Mygoodness, Tzuyu. Hindi ko inaakalang magiging stalker ka sa huli." Napapailing na sabi niya.

"Hindi ako stalker. Gusto ko lang talaga siyang makita."

"Gusto mo siyang makita? Ang weird mo, Tzuyu. Kay Sana na 'yon eh. Future jowa 'yun ng bestfriend ng ate mo."

"Bakit parang pinapalabas mo na mang-aagaw ako? Masama bang maging close kay Dahyun?!"

"Palagi mo na lang inilalagay sa gulo ang sarili mo. Mag-ingat ka naman, Tzuyu."

"Bakit ba palagi ka na lang naga-act na parang concern ka talaga sakin? Ano naman sayo kung malagay na naman ako sa gulo?"

"Hindi mo alam kung gaano ako kainis sa tuwing makikitang inilalagay mo na naman ang sarili mo sa puntong maiipit ka sa gitna ng gulo."

"Ano bang pakialam mo sa buhay ko?!"

"Meron akong pakialam sayo. Kung alam mo lang kung gaano parin ako nag-aalala sa tuwing mararamdaman kong gagawa ka na naman ng gulo."

"Ganun ba ang tingin mo sakin? Troublemaker? What the hell, Momo?!"

"Hindi mo talaga naiintindihan." Bigla siyang yumuko.

"Ano bang dapat kong maintindihan?!" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Kahit na gaano kalaki ang mga gulong kinasasangkutan mo, gustong-gusto parin kitang iligtas mula dito."

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon