A/N : May detalye dito na makakatulong sa theories niyo. Goodluck. Hahaha.Sa kampo ng mga rebelde, abala ang lahat sa kanya-kanyang gawain. Hindi maiwasan ni Sharon na mapatingin sa kanila.
Kitang-kita niya ang pagtutulungan at pagkakaisa ng mga ito sa kabila ng mahirap na sitwasyon nila.
Sa katunayan, mas nakikita pa niya sa kampong ito ang tunay na kahulugan ng pagtutulungan kaysa sa pamahalaan na punong-puno ng agawan at pagpapataasan para sa kapangyarihang mamuno.
Tandang-tanda pa rin niya ang kasamaang mga nagawa ng kanyang Ama na siyang Pinuno ng Pamahalaan. Gustuhin man niyang pigilan ang kanyang ama, hindi niya magawa dahil masyado siyang mahina. Wala siyang kakayahang ipagtanggol ang kanilang nasasakupan.
"May bumabagabag ba sayo?" Agad na napalingon si Sharon kay Tatang Jinyoung na agad na naupo sa kanyang tabi.
"Wala naman po, Tatang Jinyoung."
"Ilang araw na ang lumipas simula nang umalis si Moira dito sa kampo. Ilang araw na ding hindi bumabalik sila Dahyun at Anna."
"Magtiwala lang po tayo na babalik din sila."
"Hinihiling ko na lamang na sana ay ligtas silang makabalik dito. Nag-aalala na ako sa anak ko. Kaisa-isang anak ko siya. Hindi ko alam ang aking gagawin kapag may nangyaring masama sa kanya."
"Huwag po kayong mag-alala, Tatang Jinyoung. Ipinapangako ko pong isasama ko sa mga dasal ko ang inyong anak na si Anna."
"Sana matapos na ang lahat ng 'to. Sana bumalik na din si Moira. Aminado akong nadismaya ako sa mga nagawa niya. Pero inituring ko na rin siyang parang tunay na anak kaya naman nasasaktan din ako sa mga nangyayari sa kanya ngayon." Napatingin si Sharon kay Tatang Jinyoung na halata namang sobra nang nag-aalala.
"Maswerte sila Moira at Anna dahil may isang katulad niyo na nagsisilbing ama para sa kanila. Kung katulad niyo lang sana ang ama ko."
"Pwede mo din naman akong ituring na parang isang tunay na ama, Sharon." Ikinagulat ni Sharon ang sinabi ni Tatang Jinyoung. Ito na ang unang pagkakataon na may nagsabi sa kanya nang ganoon.
"Po? Talaga po? Ayos lang po sa inyo na ituring ko rin kayo bilang isang Ama?"
"Sharon, Maaaring hindi mo maintindihan 'tong sasabihin ko pero ---nakikita ko sayo na balang araw, magiging isang magaling at magiting na Pinuno ka. Alam kong mabuting tao ka. Alam ko na ang tanging hangarin mo ay makamit ang kapayapaan para sa lahat." Hindi na niya napigilang maging emosyonal dahil sa kanyang mga narinig
"Ta ---Talaga po? Naniniwala kayo na kaya ko ring mamuno?"
"Oo, Sharon. Nararamdaman kong makakamit na ng lahat ang tunay na kapayapaan kung ikaw ang mamumuno sa aming lahat."
"Sa inyo pong lahat?"
"Tama. Sa mga mamamayan ng pamahalaan at sa aming mga rebelde. Posibleng-posible na mabuo muli ang nagkawatak-watak na pagkakaisa sa pamamagitan ng kabutihan mo bilang isang tunay na Pinuno sa hinaharap."
"Pero anak ako ng isang masamang Pinuno ng Pamahalaan. Hindi ako karapat-dapat na pagkatiwalaan. Baka lalong magkagulo ang lahat. Ni hindi nga alam ng lahat na anak din ako ng Pinuno ng Pamahalaan." Biglang pinanghinaan ng loob ni Sharon.
"Kahit kailan hindi kayo magkatulad ng ama mo. Ibang-iba ka sa kanya, Sharon. Ngayon palang sinasabi ko na sayo na nakahanda kaming suportahan ka. May tiwala kami sayo."
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fiksi Penggemar𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...