102 : Bitag

426 16 9
                                    

Nagpatuloy ang pageensayo ng mga kalalakihan sa pamumuno ni Dahyun.

"Galingan niyo pa. Hindi tayo mananalo sa mga sundalo ng pamahalaan kung hindi niyo aayusin!" Sambit ni Dahyun sa mga rebeldeng nagpupursigi pading mag-ensayo.

"Pa ---Pasensya na, Dahyun." Pagpapaumanhin ng isa sa mga rebelde.

"Maililigtas ba ng pasensya ang buhay mo? Kailangan mong galingan. Hanggang diyan lang ba ang kaya mo?"

"Hi ---Hindi, Dahyun."

"Kung ganon, ayusin mo. Mga buhay ang nakataya dito. Kung gusto niyong manalo tayo, gawin niyo ang lahat-lahat nang makakaya niyo. Kung kinakailangan na magdamag tayong mag-ensayo, gagawin natin!"

"Pero kailangan din magpahinga ng ibang kalalakihan na hindi ganoon kalakas ang resistensya." Sabi ng isa sa mga rebelde dahilan para mapakunot ang noo ni Dahyun.

"Kung hindi niyo na kaya, bumalik na kayo sa kampo. Kung suko na kayo, sabihin niyo kaagad. Hindi 'yung nagpapanggap pa kayong kaya niyo kahit hindi naman talaga. Maiwan na lang lahat ng nakahandang lumaban. Hindi niyo kasi ako naiintindihan!" Inis na sabi ni Dahyun sabay lakad palayo habang patuloy parin sa pag-eensayo ang iba.

Sa hindi kalayuan, may pag-aalala paring namumuo sa kaisipan ni Tatang Jinyoung habang pinagmamasdan ang tila nag-iibang pag-uugali ni Dahyun.

Agad na lumapit si Dahyun sa kanya upang maupo din muna.

"Dahyun, Mukhang dapat muna tayong magpahinga." Bungad ni Tatang Jinyoung.

"Tatang Jinyoung, hindi sila matututo kung puro pahinga na lamang ang gagawin natin."

"Pero masyado na silang pagod."

"Dati akong sundalo ng Pamahalaan. Alam na alam ko kung gaano kagaling makipaglaban ang mga sundalo ng Pamahalaan. Sinasanay kami nang sobra noon. Inituturo ko lang naman sa mga kalalakihan sa kampo ang mga natutunan ko noon sa Pamahalaan." Dahilan ni Dahyun.

"Lalaban naman tayo kahit anong mangyari, Dahyun."

"Tama, Tatang Jinyoung. Lalaban tayo kahit anong mangyari. Pero buo ba ang loob natin na magagawa nating manalo sa kanila kung paganyan-ganyang ensayo lamang ang gagawin natin?" Depensa ni Dahyun sa sarili sabay turo sa mga rebeldeng pagod na pagod na.

"Mag-iingat ka, Dahyun." Biglang sabi ni Tatang Jinyoung kaya naman napakunot-noo muli si Dahyun.

"Mag-iingat saan?"

"May nakikita akong poot at galit sa puso mo. Unti-unti kang nilalamon ng kagustuhan mong maghiganti."

"Sige. Aaminin ko, Tatang Jinyoung. Gustong-gusto kong gumanti. Gusto kong mapabagsak ang Pinuno ng Pamahalaan. Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay. Gusto kong bigyan ng hustisya ang pagkamatay nila Kyungwan at Nabong."

"Sa tingin ko, hindi nanaisin nila Nabong at Kyungwan na makita kang nagkakaganyan. Nawawala ka na sa kontrol. Mismong mga kasamahan natin sa kampo, sinisigawan ml na."

"Kung hindi ko sila sisigawan, hindi sila magpapakaayos."

"Dahyun, Nakikiusap ako. Huwag mong hahayaan na lamunin ka ng galit mo. Alam kong mabuti kang tao. Alam kong kapayapaan lamang ang ninanais mo. Pero sa nakikita ko sayo ngayon, unti-unti kang nagbabago."

"Pwede ba, Tatang Jinyoung? Kaya ko ang sarili ko. Sinisigurado kong mananagot ang Pinuno sa mga kasamaan niya. Hindi ako titigil hanggang sa dumating ang araw na 'yon." Sagot ni Dahyun sabay tayo na upang sermonan muli ang mga kasamahan sa kampo na kasalukuyang nag-eensayo.

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon