113 : Reyna't Hari

285 16 9
                                    

Mina's Pov :

"Maganda ba ako?"

"Ah. Higit sa maganda, Aking Reyna. Para sakin, ikaw ang pinakamaganda.

"Ttalgi, huling tanong."

"Ano 'yun, Reyna ko?"

"Kung sasabihin ko sayo ngayon na gusto kita, magugustuhan mo rin ba ako? May pag-asang magustuhan mo din ako?"

"Ah. Reyna ko. Kahit naman hindi niyo ko magustuhan, gusto ko na talaga kayo. Gusto kita, Reyna ko. Matagal na. Pero sino ba naman ako para mangarap na magugustuhan mo rin talaga ako. Isang hamak na sundalo lamang a---"

"Gusto kita, Hari ko."

"Gusto rin kita, Reyna ko."

Napamulat ang aking mata matapos managinip nang kakaiba. Anong klaseng panaginip ba 'yon? Weird. Parang totoong-totoo.

Napahawak ako sa aking labi nang maalala ko ang pagdampi ng labi ni Chaeyoung sa aking labi. Bakit ganon? Ttalgi? Bakit Ttalgi ang tawag ko sa kanya? Reyna ko? Bakit inituturing niya akong reyna sa panaginip na 'yon? Sundalo siya? Hari ko? Ang gulo.

At tila ba nakasuot talaga ako nang kasuotan ng isang reyna samantalang parang pang-sundalo talaga ang kasuotan ni Chaeyoung sa panaginip ko? Biglang sumakit ang ulo ko dahil doon.

Bangungot ba 'yon? Hindi naman siguro. Hindi ko naman masasabing masama ang nangyari sa panaginip kong 'yon eh. Parang ang saya-saya nga namin ni Chaeyoung doon.

Ang hindi ko mawari, bakit tila kakaiba ang panahong 'yon? Masyado lang ba akong nanonood ng movies? Hindi ko mapigilang mapaisip eh.

Ilang minuto ko ring kinumbinsi ang sarili ko na panaginip lang talaga 'yon. Hanggang sa magdesisyon na akong bumangon na upang i-check kung gising na si Tzuyu.

Nang katukin ko siya sa kwarto niya, agad niyang binuksan ang pinto.

"Mina Unnie. Aga mo nagising ha." Sabi niya sabay balik sa pagkakapwesto sa kama niya.

"Ako ang dapat na nagsasabi sayo niyan. Aga mo nagising ha, Tzuyu."

"Siyempre. Ito ang araw na tapos na ang pagkakakulong natin sa pamamahay na 'to. Makakalabas na ulit tayo. Makikita ko na ulit nang harapan si Momo." Excited na sabi ni Tzuyu.

"Wala ka bang balita kay Sana? Walang naikukwento sayo si Momo?"

"Ayun na nga. Naikukwento sakin ni Momo na maayos naman daw ang kondisyon ni Sana sa pagbubuntis niya. Akalain mo. Magkaka-anak na yung dalawa. Kailan kaya kami ni Mo ---"

"Sige. Subukan mong ituloy 'yan. Ako mismo ang magsusumbong satin kay Dad para ma-extend ang pagka-grounded natin dito." Warning ko sa kanya. Alam ko naman na alam ni Tzuyu ang ginagawa niya pero hindi ko pa rin maiwasang maging protective sa kanya.

"Hindi na 'to mabiro. Siyempre mauuna kayo ni Chaeyoung." Mapang-asar na sambit niya dahilan para mamula ang pisnge ko.

"Sira ka talaga, Tzuyu. Ay! Nagtext nga pala sakin si Chaeyoung kagabi. Iniimbita tayo sa birthday party niya next week." Bigla kong naalala na malapit na nga pala ang birthday ni Chaeyoung.

"Talaga? Go ako diyan. Kasama rin ba si Momo?"

"Aba. Siyempre. Maraming naimbita si Chaeyoung. Magiging masaya 'yon. Panahon na rin siguro para makapagbakasyon tayo kahit sandali."

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon