A/N : 2am ko 'to sinimulan. 6am natapos 🙂 Matutulog na ako. Balakayojan. Sana magustuhan niyo. Hahahahaha.
Sana's Pov :
Matapos ang selebrasyon ng birthday ni Chaeyoung, nagdesisyon na ang lahat na magpahinga.
Nang mahiga kami ni Dahyun sa kama, naramdaman ko ang yakap niya mula sa likod kaya naman humarap ako nang pwesto sa kanya.
Nang magkatinginan kaming dalawa, hindi ko napigilang ngumiti. Marahan kong hinaplos ang pisnge niya dahilan para mapangiti rin siya sakin.
"Nag-enjoy ka ba kanina?"
"Oo naman. Halata namang nag-enjoy tayong lahat kanina. At dahil 'yon sa effort mo na gawing memorable ang birthday celebration ni Chaeyoung." Inayos niya ang buhok na nakaharang sa mukha ko habang nagsasalita ako.
"Ganun naman talaga. Kapag mahal mo, sisiguraduhin mong magiging masaya sila." Nakangiting sagot niya habang pinagmamasdan ang mukha ko.
"Napasaya mo kami nang sobra, Dahyun. Ikaw? Napasaya ka rin ba namin?"
"Tinatanong pa ba 'yan? Basta kapag tungkol sa inyo, sasaya talaga ako."
"Mabuti naman kung ganon."
"Uhm, Sana."
"Hmmm? Ano 'yun, Dahyun?"
"Pasensya ka na."
"Pasensya? Para saan?"
"Kasi pinagbawalan kitang uminom ng alak kanina."
"Ano ka ba naman, Dahyun? Naiintindihan ko naman kung bakit mo ginawa 'yon. Isa pa, hindi naman ako gagawa ng kahit ano na ikapapahamak ng magiging anak natin. Na-appreciate ko yung effort mo para siguraduhing ligtas kami ng magiging anak natin. Thank you so much."
"Gusto ko lang makisigurado na nagkakaintindihan tayo. Ayoko naman na isipin mong pinaghihigpitan kita nang sobra. Basta kapag may gusto kang sabihin sakin, nandito lang ako. Okay ba 'yon, Sana?"
"Okay na okay." Masayang pagkakasabi ko sabay yakap sa kanya.
"Magpahinga na tayo, Sana."
"Goodnight, Dahyun."
"Goodnight din, Sana." Rinig kong pagkakasabi niya bago ko tuluyang ipikit ang mata ko.
Nagulat ako nang mapadpad akong muli sa isang lugar na tila ba noong unang panahon pa naganap.
Tumambad sa aking harapan ang dalawang tao na tila ba may pinagtatalunan. Isang kamukha ni Dahyun at isang kamukha ni Momo. Siguro siya si Momo sa nakaraan. May koneksyon din pala talaga silang dalawa noon. Mukhang may pinag-aawayan silang dalawa.
"Kasintahan ko si Kyulkyung. Kailangan ako ni Kyulkyung. Isa pa, ano bang sinasabi mo? Ikaw ba si Anna? Paano mo nasabing may gusto siya sakin? Imposible. Magkaibigan lang kaming dalawa. Hanggang doon lang 'yon." Sabi ng kamukha ni Dahyun na mukhang si Dahyun nga talaga mula sa nakaraan.
Anna? Diba't ako at si Anna ay iisa. Bakit ganito? Isang panaginip lang ba 'to o isang pangyayari na tunay na naganap sa nakaraang buhay ko? Kaibigan? Hanggang doon lang 'yon? Kaibigan lang ang tingin sakin ni Dahyun mula sa nakaraan? Pero bakit ganon? Sa unang panaginip ko, ako 'yung mahal niya eh.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfic𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...