A/N : Warning : The following content may contain elements that are not suitable for some readers. This chapter may be triggering. Read with care.
Mina's Pov :
"Dahyun! Ikaw na nga talaga 'yan!" Halos mangiyak-ngiyak na sabi ni Jeongyeon sabay yakap nang mahigpit kay Dahyun nang dumating sila matapos kong ipaalam sa kanila ang pagbabalik ni Dahyun.
"Nakakapagtaka." Biglang sabi ni Tzuyu.
"Ang alin?" Curious na tanong naman ni Momo kay Tzuyu.
"Sa isang taong pagkawala mo, saan ka nagpunta? Nakulong ka ba? Nag-adik? Nakabuntis ng ibang babae? Nagtanan kayo ni Jihyo kaya sabay kayong nawala noon?" Napapaisip na tanong ni Tzuyu.
"Grabe ka naman, Tzuyu. Hindi ba pwedeng may importanteng bagay lang akong inayos? Hindi na mahalaga kung bakit ako umalis. Ang importante, nakabalik na ako." Sambit agad ni Dahyun.
"Hmmm. Si Jihyo? Nasaan siya? Sabay kayong nawala noon eh. Nagtataka lang ako. May something fishy akong nararamdaman sa biglaang pagkawala mo."
"Aish. Tzuyu, Tama na nga 'yan. Makikain na lang tayo. Mukhang masarap yung pagkain nila." Awat ni Momo sa pagtataka ni Tzuyu.
"Dapat nagsecelebrate tayo nang bongga sa restaurant nila Momo eh. Ipagdiwang naman natin ang pagbabalik ni Dahyun." Suggestion ni Nayeon.
"G ako diyan!" Agad na sabi ni Chaeyoung.
"Basta ba kanya-kanyang bayad." Sagot agad ni Momo sa aming lahat.
"Kuripot ka talaga, Momo!" Natawa ang lahat sa biglaang pagsasalita ni Sana.
"Libre ko na ang lahat ng gastos." Boluntaryong sabi ni Dahyun kaya naman halos magsitalunan sila Jeongyeon sa sobrang tuwa.
Aminado akong may kakaiba din akong nararamdaman sa biglaang pagkawala ni Dahyun. Maraming tanong ang bumabagabag sa isipan ko. Sa loob ng isang taong pagkawala niya, ni isang beses hindi siya nagparamdam o nagpadala ng mensahe tungkol sa kalagayan niya o kung nasaan man siya.
Isa pang iniisip ko ay ang hindi pa rin pagpapakita ni Jihyo samin. Halos sabay silang nawala ni Dahyun nang parang bula. May pag-asa kayang bigla rin ulit susulpot si Jihyo? Hmmm.
"Kain na tayo, Mina." Nahinto ang pag-iisip ko nang malalim nang yayain na ko ni Chaeyoung na kumain.
Habang kumakain, nagkakatuwaan ang lahat sa pagkukwentuhan ng kani-kanilang napagdaanan sa buhay sa loob ng isang taon. Halos kaming lahat nagbahagi ng karanasan namin. Si Dahyun lang ang kaisa-isang naging matipid sa sagot niya.
"Naglakbay ako sa malayong lugar upang hanapin ang kasagutan sa mga tanong ko sa buhay." Matipid niyang kwento samin. Kung hindi pa siya handang magbahagi ng kwento niya, nirerespeto namin 'yon.
Habang abala ang iba sa pagkukwentuhan matapos kumain, napansin kong nawawala si Chaeyoung. Sandali akong tumayo sa kinauupuan ko upang alamin kung saan siya nagpunta.
Sa pagpunta ko sa likod ng mansion, natanawan ko si Chaeyoung. Nakatayo lamang siya habang nagpapahangin.
"Chaeyoung."
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fiksi Penggemar𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...