Dahyun's Pov:
"May gusto ka pa bang ipaayos samin?" Tanong ni Jeongyeon sakin.
"Malinis na yung harapan ng gate." Dagdag ni Nayeon na halatang pagod na sa kakalinis.
"Tama na."
"Huh?"
"I mean, magpahinga na kayo."
"Sa mahal na halaga ng nabasag naming vase, kailangan naming bumawi sayo."
"Wala na kayong dapat ipag-alala tungkol doon. Ituring na lang nating isang pagkakamali ang bagay na 'yon. Kalimutan na nating may nabasag na vase."
"Pero hindi pwede 'yung ganon."
"Pwede, dahil sinabi ko."
"Ipagpapatuloy parin namin ang pagbawi sayo hanggang sa mabayaran namin ang nagawa naming perwisyo sayo."
"Mabuti pa hintayin niyo na lang ang pagbabalik ni Chaeyoung. Pinabili ko na siya ng pagkain na pagsasalu-saluhan natin."
"Miss Kim, may okasyon ba?"
"Wala naman. Gusto ko lang talagang makasama kayo sa harap ng hapag-kainan. Magkakapit-bahay tayo, diba. Paraan na rin 'to ng pagsasaya natin." Sagot ko sa kanila kaya hindi na sila nakaangal pa. Tuluyan ko na silang pinapwesto sa upuan sa harapan ng lamesa kung saan kami magsasalu-salo.
Handa na kami eh. Yung pagkain na lamang ang kulang. Parang ang tagal naman ni Chaeyoung. Saan kaya 'yun bumili? Naligaw na ata. Nanatiling tahimik ang paligid. Napatingin ako sa kanilang dalawa na tahimik lang din.
"Uhm. Naiinip na ba kayo?" Lakas-loob na panimula ko.
"Nako. Hindi, Miss Kim. Ayos lang kami. Huwag mo kaming intindihin."
"Sabihin niyo lang kapag may kailangan kayo."
"Salamat, Miss Kim."
"Jeongyeon, look at me." Napatingin ako sa kanila nang biglang tawagin ni Nayeon si Jeongyeon.
"Ano 'yun?"
"Ang baho mo na. Amoy pawis ka."
"Ikaw din naman eh."
"Mas mabaho ka naman. Ang baho ng paa mo."
"Oy! Pinapahiya mo ko kay Miss Kim. Paepal ka. Normal na maging mabaho ang paa ng isang tao." Hindi ko naiwasang mapangiti sa kanila. Kung titingnan, kahawig na kahawig talaga nila ang dalawang kaibigan ko mula sa nakaraan. Naalala ko tuloy ang masasayang ala-ala ko kasama sila Kyungwan at Nabong. Hindi mapagkakailang marami silang pagkakapareho.
Nakapwesto ako sa ilalim ng puno kasama si Nabong at Kyungwan. May mga pagkain kaming dala. Masaya kaming kumakain ng magkakasama.
"Ako ang nagluto niyan." Nagmamalaking sabi ni Kyungwan.
"Kaya pala lasang paa." Sagot naman ni Nabong sabay akmang susuka.
"Grabe. Nakatikim ka na pala ng paa, Nabong." Pang-aasar ni Kyungwan.
"Oo. Yung paa mo kasi kapag nakakatulog ka sa tabi ko. Ang baho!" Napatawa na lamang ako habang pinapakinggan silang mag-asaran.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fiksi Penggemar𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...