96 : Jihyo

365 13 17
                                    

"I just want to stay with you. In this time when there’s no one. The cold wind is trying to break us apart
We’ll have a long night again..." 🎶🎶🎶


Jihyo's Pov :

Wala nang mas sasaya pa sa mga sandaling makita mong masaya ang mga taong nagpapasaya sayo. Nagpatuloy ang pagsasaya nila Dahyun, matagal ko nang ninanais na masaksihan na makita silang magkakasama.

Sa sobrang saya ko, ginamit ko ang aking kapangyarihan upang paliparin ang mga petals ng camellia flowers papasok sa loob ng kwarto ni Dahyun kung saan naroon sila.

Mas ikinagalak ko nang matuwa si Chaeyoung sa mga nagsisilitawan na petals ng camellia flower. Kahit na pinapanood ko lamang sila sa hindi kalayuan mula sa bintana, aminadong-aminado ako na napakasaya ko sa mga oras na 'to.

Pinagmasdan ko ang petals ng camellia flower na tuloy-tuloy ang pagbagsak, hindi ko na napigilang sabihin ang bagay na lubos ko ring ikinagagalak.

"Parang kasama ka na rin nila sa mga oras na 'to. Parang kasama ka na rin namin."

Bago pa nila ako makita, minabuti ko nang umalis nang may ngiti sa aking labi. Muli akong bumalik sa flower farm upang magpahinga. Muling nagpakita sakin ang camellia flower na hindi basta-basta nagpapakita sa mga tao sa flower farm.

"Masaya akong makita na masaya sila. Alam kong masaya ka rin na nagsasaya sila ngayon. Nasa punto ako na gusto ko nang sumuko, pero naisip ko na palagi ka namang nandiyan para sakin. Naisip ko na siguro konting tiis na lang, matatapos rin ang lahat nang ito." Sabi ko na lamang habang pinagmamasdan ang camellia flower sa harapan ko.

Ipinikit ko na lang muli ang aking mata upang alalahanin ang nakaraan.

Payapa akong nagbabantay sa kagubatan nang muling magpakita si Daniel.

"Nandito ka na naman?" Gulat na tanong ko sa kanya.

"Sinabi ko naman sayo na babalikan kita. Diba?" Nakangiting sagot niya.

"Pwede ba? Tigil-tigilan mo na ako. Gusto mo na namang masaktan?"

"Bakit ang saya paring pakinggan ng boses mo kahit galit ka na?" Napatingin ako sa kanya nang masama.

"Kung inilalambitin na lang kita sa mga puno dito?" Babala ko sa kanya.

"Hindi mo magagawa 'yon." Kalmadong sagot niya sakin.

"At bakit naman? Kayang-kaya ko 'yon!"

"Noong aksidente mo nga akong nasaktan, halos kumaripas ka na nang lapit sakin dahil sa pag-aalala."

"Ang yabang mo." Inis na sagot ko sa kanya dahilan para mas matawa siya.

"Gwapo naman."

"Eh ano kung gwapo ka?!"

"Ibig sabihin, sang-ayon ka na gwapo ako? Ikaw ha. Nakakahalata na ako." Mapang-asar na sambit niya sakin.

"Hindi. Nakakahalata ka na rin ba na malapit na kitang patalsikin sa kagubatang ito?" Inis na tanong ko.

"Sinasabi ko sayo, hindi mo magagawa 'yan."

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon