116 : Espiya

307 16 27
                                    

Dahyun's Pov :

Kinabukasan, maaga akong gumising dahil hindi pwedeng babagal-bagal ngayon. Akala ni Sana maiisahan niya ako. Akala niya lang 'yon. Babantayan ko pa rin siya mula sa malayo.

"Let's go, Chaeyoung. Bilisan mo."

"Wait lang naman, Dahyun." Babagal-bagal na sagot ni Chaeyoung.

"Ano na? May balita ka na kay Mina? Saan sila magtitinda?" Tanong ko kay Chaeyoung na napakunot-noo sakin.

"Sandali lang naman. Hindi pa nagrereply." Sagot niya kaya naman napakamot-ulo ako.

"Fine. Ikaw na muna ang magdrive ng kotse." Sambit ko sa kanya na napatango na lamang.

"Ako na munang hahawak sa phone mo. Kakausapin ko si Mina tungkol sa trip ni Sana." Agad nang ibinigay ni Chaeyoung ang phone niya sakin.

Nang makalabas kami sa mansion upang sumakay na sa kotse ko, biglang may tumawag samin.

"Chaeyoung! Dahyun!" Sila Nayeon at Jeongyeon pala. Himala. Hindi sila nakapang-jogging. Agad silang lumapit samin.

"Saan ang punta niyo?" Tanong ko sa kanila.

"Tatambay sana kami dito sa mansion mo. Tamang bonding lang kasama niyo pero mukhang may lakad kayo." Sagot ni Jeongyeon.

"Saan ang punta niyo?" Tanong naman ni Nayeon.

"Mag-eespiya kami kay Sana." Pag-bulgar ni Chaeyoung sa plano namin.

"Espiya? Kay Sana? Bakit? Anong meron?" Curious na tanong nila Jeongyeon at Nayeon.

"Eto kasing si Dahyun, nalaman na magtitinda ngayong araw ng ukay-ukay si Sana. Sobrang nag-alala. Ayon, na-tripan mang-espiya." Muling pagbubulgar ni Chaeyoung sa plano. Bwisit.

"Ang daldal mo na masyado, Chaeyoung. Tara na nga." Naaasar na pagyayakag ko.

"Sama kami!" Biglang sabi ni Jeongyeon. Bago pa ako makaangal, pinagbuksan na ni Chaeyoung ng pinto ng kotse sina Nayeon at Jeongyeon.

"Talaga namang ---" Hindi makapaniwalang pagkakasabi ko.

"Mas marami, mas masaya." Nakangiting dahilan sakin ni Chaeyoung.

"Mas marami, mas madali tayong mahuli." Agad na depensa ko. Ang ingay pa naman nitong sina Jeongyeon at Nayeon. Baka wala pang isang oras, huli na kaagad kami.

"Pagbigyan mo na ako. Malapit na naman ang birthday ko." Naka-peace sign na pagkakasabi ni Chaeyoung sakin.

"Oo nga naman." Sambit ni Nayeon na nakasakay na sa loob ng kotse katabi si Jeongyeon sa backseat.

"Excited na kami sa birthday mo, Chaeyoung! Buti hindi mo kami nakalimutang imbitahan!" Malakas na pagkakasabi naman ni Jeongyeon. Tama nga. Mataas ang posibilidad na mahuli kaagad kami nila Sana sa ingay nila.

"Siyempre naman. Magsasaya tayo sa birthday ko!" Excited ring pagkakasabi ni Chaeyoung sa dalawa.

"Tama na nga 'yang daldalan. Tara na." Sumakay na rin ako sa kotse't pumuwesto sa passenger seat. Habang abala sa pagmamaneho si Chaeyoung, ako muna ang nakipagtext kay Mina gamit ang phone ni Chaeyoung upang malaman namin kung saan sila pupuntahan.

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon