Mina's Pov :
Nang mag-walkout si Sana, sinundan siya ni Dahyun. Samantala, minabuti ko namang pagpaliwanagin si Tzuyu sa kung anong ibig sabihin niya tungkol sa kagabi.
"Ako yata ang dahilan ng pag-aaway ng dalawang 'yon." Napapakamot-ulong sabi ni Tzuyu samin.
"H ---Huh?!" Gulat na reaksyon ni Momo.
"Anong ikaw? Anong ibig mong sabihin, Tzuyu?" Agad na tanong ko.
"Nagkataon kasi na naabutan ako ni Dahyun kagabi na nagpapa-antok sa tabing dagat. Ayon. Nagkakwentuhan kami." Paliwanag ni Tzuyu.
"Hindi ako naniniwalang kwentuhan lang." Extra ni Jeongyeon samin dahilan para mapatingin kami sa kanya.
"Bad! Jeongyeon, Bad!" Saway ni Nayeon sabay hampas nang slight sa braso ni Jeongyeon.
"Joke lang naman. Masyado kayong seryoso. Hehehe." Natatawang sabi ni Jeongyeon habang kumakain.
"Nakita ata kami ni Sana kagabi." Dagdag pa ni Tzuyu samin.
"Magseselos ba kaagad si Sana sa ganon? Kung nakita niya kayo, anong nakakaselos don? Magkakwentuhan lang naman eh." Sabi naman ni Chaeyoung kay Tzuyu.
"Nako. Sobrang selosa ni Sana. Miski nga 'tong si Jihyo pinagselosan." Sabi naman ni Momo dahilan para matawa nang slight si Jihyo sa tabi namin.
"Naiintindihan ko naman si Sana. Wala sakin 'yung panggigigil niya dahil sa selos. Ganun niya kamahal si Dahyun eh." Sambit ni Jihyo samin.
"Nagyakapan kami ni Dahyun kagabi eh." Napatingin kaming lahat kay Tzuyu na napa-peace sign kaagad kay Momo.
"Hmmm. Bakit may payakapan?" Seryosong tanong ni Momo.
"Wala namang meaning 'yon, Momo. Nadala lang ako ng emosyon ko dahil iniko-comfort ako ni Dahyun." Pagpapaliwanag ni Tzuyu. Inikocomfort? Tungkol kaya sa sitwasyon namin kay Dad ang napagkwentuhan nila ni Dahyun?
"Inikocomfort? Hala. Ayos ka lang, Tzuyu?" Nag-aalalang tanong ni Momo.
"Ayos lang naman ako, Momo. No need to worry." Agad na sagot ni Tzuyu sabay lingon sakin. Nang magtagpo ang mata namin, umiwas siya ng tingin.
"Kung ikaw nga talaga ang dahilan ng pag-aaway ng dalawang 'yon, anong plano mo?" Tanong naman ni Nayeon kay Tzuyu na agad na napatayo sa pwesto niya.
"Hmmm. May baon akong milk. Ipagtitimpla ko na lang sila pareho. Simple lang pero may sincerity. Makakabuti pa sa magiging baby nila yung milk. Oh diba!" Sagot samin ni Tzuyu sabay lakad na para magtimpla ng gatas.
"Tulungan na kita, Tzuyu!" Agad namang sumunod si Momo sa kanya. Habang pinagmamasdan sila Tzuyu sa paglalakad, naalala ko yung paglalasing ko kagabi. Sobrang sakit pa rin sa ulo.
Hindi magandang ideya yung paglalasing ko kagabi nang sobra sa birthday party ni Chaeyoung. Sabihin na nating nakalimutan ko nga yung mga bagay na bumabagabag sakin, pero pansamantala lang 'yon.
Hindi ko masyadong maalala yung mga nangyari simula nang malasing ako. Pero aminado akong unti-unting bumabalik sa aking isipan ang mga salitang binitawan ko kagabi.
Palagi kong sinasabi sa sarili ko na kahit anong mangyari, hindi ko hahayaang marinig ni Tzuyu mula sa akin ang mga hinanakit ko sa buhay dahil alam kong maaapektuhan siya. Alam kong mag-aalala siya sakin nang sobra. Pero sa mga oras na 'yon kagabi, hindi ko na nagawang pigilan ang sarili ko na maglabas ng sama ng loob.
"Tinanggap mo ko sa bahay mo. Pero hindi sa buhay mo!"
Kinupkop ako ni Dad simula nang pumanaw ang nanay ko noon. Pero pakiramdam ko, wala pa rin akong puwang sa buhay niya.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...