A/N : Charot lang.
HAHAHAHAHAHA.
Eto na talaga. Lol"Kumain ka na." Agad na iniabot ni Dahyun ang pagkain kay Anna bago tuluyang umupo sa tabi nito.
Agad namang sumabay si Anna sa pagkain. Nakabibingi ang katahimikan sa paligid nila habang abala sila sa pagkain.
Sandaling napalingon si Anna kay Dahyun na nakatanaw lamang sa lawa. Nais sana niyang kausapin si Dahyun ngunit tila sobrang abala nito sa pagkain.
Bahagya siyang napangiti dahil mukhang ganadong-ganado kumain si Dahyun sa kabila ng sobrang kalungkutan nito.
Matapos nilang kumain, nanatili parin ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Tahimik lamang silang nakaupo sa harapan ng lawa.
"Nabusog ka ba sa kinain mo?" Panimulang tanong ni Dahyun kaya agad na kumuha ng pluma at papel si Anna.
"Oo. Maraming salamat, Dahyun."
"Mabuti kung ganon. Ako din." Seryosong sagot ni Dahyun.
"Masaya akong makita na ganado kang kumain kanina. Kailangan mong magpalakas. Hindi natatapos dito ang lahat, Dahyun."
"Alam mo bang ang pagkain na kinain natin kanina ay ang pagkaing naabutan ko sa bahay kubo na tinirhan nila Kyungwan at Nabong?"
"Talaga? Paano kung sa ibang tao 'yun?"
"Kilala ko ang luto ng mga kaibigan ko. Sa aming tatlo, si Kyungwan yung pinakamasarap magluto."
"Ikinalulungkot ko ang nangyari sa mga kaibigan mo, Dahyun."
"Nangako ako sa kanila na babalikan ko sila. Nangako akong isasama ko na sila sa kampo sa pagbabalik ko mula sa pamahalaan, pagkatapos kong mailigtas si Kyulkyung. Pero hindi ko na natupad ang pangakong 'yon, namatay sila na puno ng kasabikan dahil sa pangako kong hindi ko naman natupad. Wala akong kwentang kaibigan." Sambit ni Dahyun.
"Ako na mismo ang humihingi ng kapatawaran sa nagawa ni Moira. Maaaring may matindi siyang dahilan kung bakit nagawa niyang ituro ang kinaroroonan ng mga kaibigan mo."
"Wala akong pakialam sa kahit ano pang dahilan niya. Isa lang nasisigurado ko, napakasinungaling niyang tao!" May gigil na sabi ni Dahyun dahilan para matigilan si Anna.
"Mabuting tao ang kaibigan kong si Moira."
"Kahit na ano pang dahilan niya, hindi parin magbabago ang katotohanan na namatay ang mga kaibigan ko dahil sa pagtatraydor niya. At si Kyulkyung, pare-pareho lang ang lahat ng taong nakapaligid sakin!"
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...