Sa kagustuhang makita ang magiging reaksyon ng mga batang nakikinig sa ikinukuwento niya, binasa na ni Dahyun ang huling bahagi ng kwento.
"Bumalik sa totoong mundo si Wendy at ang mga kapatid niya kung saan inampon ng pamilya nila ang mga nawawalang bata na kasama nila. Pinagmasdan sila ni Peter mula sa hindi kalayuan bago ito tuluyang bumalik sa kanyang mundo, sa Neverland." Sa paglapag niya sa librong hawak na pinamagatang "Peter Pan", pinagmasdan niya ang mga batang nakaupo sa harapan niya.
"Paano na po si Peter Pan?" Tanong ng isang bata.
"Patuloy lang ang takbo ng buhay niya sa mundong kinagisnan niya. Kailangan siya ng mundo niya." Seryosong sagot niya sa unang batang nagtanong.
"Paano po sila ni Wendy? Mas pinili niyang manatili sa Neverland kaysa sumama kay Wendy." Sumunod namang nagtanong ang isa.
"May mga bagay talagang nakakalungkot ang kinalalabasan. Maiintindihan niyo rin sa pagtanda niyo." Sambit niya nang may ngiti sa labi.
"Ang ganda po ng kwento, Miss Kim. Sana sa susunod pong pagbisita niyo dito sa bahay-ampunan ay may bagong kwento po kayong basahin para samin. Maraming salamat po." Masayang sabi ng isang batang babae dahilan para tumayo si Dahyun sa kinauupuan upang hawakan sa pisnge ang bata.
"Walang anuman."
"Miss Kim." Nahinto ang pakikipag-usap niya sa mga bata sa biglaang pagsulpot ng kanyang si Chaeyoung.
"Bakit?"
"Handa na po ang kotse. Sabihin niyo po sakin kapag aalis na tayo." Sagot ni Chaeyoung sa kanya dahilan para mapatango na lamang siya bago tuluyang bumalik sa pakikipag-usap sa mga bata.
"Mga bata, Paano? Aalis na muna ako. Hanggang sa muli nating pagkikita. Magpakabait kayo dito. Okay?" Tumango sa kanya ang mga bata kaya naman lumabas na siya ng kwarto't lumapit kay Chaeyoung na naghihintay sa kanya sa labas.
"Let's go."
"Saan po ang destinasyon natin ngayon?"
"Sa mansion."
"Masusunod po." Pinagbuksan siya ni Chaeyoung ng kotse. Sa pagbiyahe nila pabalik sa mansion, nanatiling tahimik ang paligid.
"Miss Kim." Biglang sabi ni Chaeyoung habang nagmamaneho ng kotse.
"Ano 'yun?"
"Bakit po palaging mga kwentong tila may malulungkot na katapusan ang ikinukuwento niyo sa mga bata sa bahay-ampunan?" Napahinga nang malalim si Dahyun bago tumanaw mula sa labas ng bintana ng kotse.
"Gusto kong makita kung sa batang edad pa lamang ay maiintindihan na nila agad yung katotohanan na hindi lahat ng bagay may masayang katapusan." Seryosong sagot niya.
"Ano pong ibig niyong sabihin?"
"Maraming nagsasabi na sa pagtanda ng isang tao, maiintindihan na niya ang mga ganong klase ng bagay. Hindi ko alam kung may katotohanan ba talaga ang sabi-sabi na 'yon."
"Bakit po?"
"Sa tagal ko nang nabubuhay sa mundong 'to, hindi ko parin maintindihan ang plano sakin ng mundo." May kalungkutang pagkakasagot niya.
Nang makita ang lungkot sa mukha ni Dahyun, hindi na nagtangka pang muling magtanong si Chaeyoung. Sa pagdating nila sa mansion, bumaba na ng kotse si Dahyun at tuluyan nang naglakad papasok sa mansion na halatang punong-puno ng misteryo at kalungkutan.
Napatanaw na lamang si Chaeyoung sa kanyang amo na naglalakad mag-isa.
"Sana mahanap mo na ang kasagutan sa mga tanong mo, Miss Kim." Sabi niya bago tuluyang umalis.
Sa pagpasok ni Dahyun sa loob ng mansion, ramdam na ramdam niya ang katotohanang mag-isa na naman siya.
"Hanggang kailan ko kailangang magtiis." Malungkot na pagkakasabi niya bago tuluyang umupo sa sofa.
Vote.Comment.Share
A/N: Panoorin niyo 'yung short vid sa taas. Alam niyo bang isa sa fav kong panoorin noong bata ako ay Peter Pan? Parte talaga siya ng kabataan ko. Sana magustuhan niyo 'to. Sana maihandog ko 'to sa inyo nang maayos. Maraming salamat po.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...