91 : Pangalan

387 14 24
                                    

Jihyo's Pov :

Madilim na nang magdesisyong umalis ng flower farm si Dahyun. Kahit na nakaalis na si Dahyun, nanatili ako sa pwesto naming dalawa kanina. Inaalala kung paano siya umiyak sa harapan ko kanina. Inaalala kung gaano kahirap para sa kanya na tanggapin ang lahat.

Gusto ko nang sabihin sa kanya nang biglaan ang lahat. Pero sa tuwing naiisip ko na sa oras na gawin ko 'yon ---posibleng maiwan sa kanya ang lahat ng problemang 'to.

Pinagmasdan ko na lamang ang pink camellia flowers na muling sumibol sa aking harapan.

Hindi ko tuloy maiwasang alalahanin ang lalaking nagparamdam sakin ng tunay na pagmamahal. Ipinikit ko ang aking mata't inalala ang nakaraan.

Isang maganda at maluwalhati na ang umaga, naglilibot ako sa kagubatang aking pinangangalagaan. Biglang may tumawag sa aking pangalan.

"Magandang engkanto!" Napakunot ang noo ko nang mapagtantong ang tumawag pala sakin ay ang lalaking sundalo na binugbog noong nakaraang araw.

"Pwede ba? Hindi ako engkanto. Reyna ako ng mga Diwata. At isa pa, ano na namang ginagawa mo dito?" Seryosong sabi ko sa kanya.

"Naisipan ko lang na bisitahin ka ulit."

"Umalis ka na bago pa ako mainis sayo nang tuluyan." Akma na sana akong tatalikod nang bigla niya akong hawakan sa kamay.

Iyon ang unang beses na may lalaking nakahawak sa aking kamay. Sa hindi malamang dahilan, pwersahan kong ibinitaw ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya.

Hindi ko sinasadyang mapalakas ang pagpwersa. Bigla siyang tumalsik palayo sakin. Nanlaki naman ang aking mata dahil sa nagawa ko.

"Hala! Pa ---Pasensya ka na. Hindi ko sinasadya." Agad akong napatakbo sa kanya na napahilata sa lupa dahil sa lakas ng pwersang nagawa ko.

Nagulat ako nang bigla siyang tumawa.

"Talagang mas maganda ka pala sa mas malapitan. Magandang Reyna ng mga Diwata." Nakangiting sabi niya bago tuluyang harapin akong muli.

"Baka masaktan lang kita ulit. Umalis ka na ngayon." Inis na sabi ko sa kanya na tila walang balak na umalis agad.

"Heto." Natigilan ako nang abutan niya ako ng isang bulaklak na camellia na mukhang pinitas pa niya kung saan.

"Pinitas mo ba 'yan dito?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Hindi ah. Sa hardin ng pamahalaan ko 'yan pinitas. Muntikan na akong mahuli sa pamimitas niyan."

"At bakit mo ko bibigyan ng ganyan? Alam mong Reyna ako ng mga Diwata. Maraming ganyan dito."

"Sabi kasi ng nakararami sa pamahalaan, isa sa sinisimbolo ng bulaklak na 'yan ay ang pag-ibig at kagustuhang makasama ang taong hinahanap-hanap mo." Paliwanag niya habang hawak-hawak ko ang bulaklak.

"Bakit sakin mo binibigay? Ano? Uutusan mo kong ibigay 'to sa babaeng kinahuhumalingan mo? Kapal-mukha?"

"Eto naman. Patapusin mo muna kasi ako. Wala naman akong ibang babae na pagbibigyan niyan kundi ikaw lang." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon