139 : Skin

271 18 103
                                    

Dahyun's Pov :

Bago tuluyang pumasok sa lagusang binuksan ng May Likha para sakin, huminga muna ako nang malalim. Alam kong sa oras na umalis ako, walang kasiguraduhan kung kailan ang pagbabalik ko o kung makakabalik pa ako.

Iniisip ko si Sana at ang magiging anak naming dalawa. Simula nang dumating sila sa buhay ko, walang araw na hindi ko sila iisipin. Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi sila sumasagi sa isipan ko.

Maaaring isipin ng iba na kasakiman ang desisyon kong ito dahil walang kasiguraduhan kung ano ba talagang mangyayari sakin sa pupuntahan ko. Naiintindihan ko naman 'yun eh. Ano ba namang klaseng magulang ang hahayaan na lang basta-basta ang anak niya?

Kahit gaano kahirap, alam ko sa sarili ko na may mga bagay pa akong kailangang ayusin sa sarili ko para maging better ako sa oras na magawa ko nang makita ang itsura ng anak ko. Ayokong maabutan niya kung gaano kagulo ang buhay ko. Para sa kanila ni Sana, gagawin ko ang lahat.

Gusto ko na sa paglabas ng anak ko, maayos na ang lahat. Alam kong malaki rin ang posibilidad na magdamdam si Sana sa biglaang pag-alis ko. Alam kong malulungkot siya nang sobra. Pero nagtitiwala naman ako na sa huli, maiintindihan niya kung bakit ganito ang naging desisyon ko.

Sa paghakbang ko papasok sa lagusan, nagsimula na ang paglalakbay ko tungo sa posibleng kinaroroonan ng magulang ko.

Sa nakaraan, ini-sentro ko sa mundo ang sarili ko. Inisip ko na sa akin lang umiikot ang mundo. Masyado akong nagfocus sa mga pansariling interes ko kaya naman nawalan na ako ng kontrol sa buhay ko, mundo na ang kumontrol sa buhay ko.

Palagi kong iniisip noon na maiintindihan ni Anna ang lahat ng bagay na ginagawa ko kahit hindi ko sabihin o ipaalam sa kanya. Hinayaan ko ang galit sa puso ko na siyang kumontrol sa mga desisyon ko. Dahil sa nagawa kong 'yon, nawala ang mga taong importante sa buhay ko.

Naiintindihan ko na ngayon na hindi lang tungkol sa akin ang nagaganap sa mundo.

May mga taong nakakaranas din ng ilang problemang nararanasan ko. Hindi lang ako ang may problema sa mundo.

Hindi palaging aayon sa gusto ko ang mga bagay-bagay kaya kailangan kong magsikap sa buhay.

Kailangan kong umunawa at magbigay paunawa sa iba.

Napaka-insensitive ko noon sa maaaring maramdaman ng iba. Samantalang, sensitive naman ako sa sariling emosyon ko. Hindi lang ako ang nakakaranas masaktan kundi lahat tayo.

Ang dami kong nasaktan noon. Ang dami kong naagrabyado. Ang dami kong sinisi sa nangyari sa buhay ko. Ang dami kong ipinagtabuyan. Wala akong ibang inisip noon kundi ang sarili ko. Inisip ko na pinagtutulungan ako ng mga taong nasa paligid ko.

Sa mga bagay na inilihim ni Fairy Queen Jihyo, malinaw na sakin ang lahat ngayon. Minsan kahit maganda ang intensyon mo, kahit na sa maling paraan ---gagawin mo para sa taong mahal mo. Tulad ng ginawa ni Fairy Queen Jihyo na siyang nanay na matagal ko na palang inaasam-asam na makilala.

Pinili niyang magsinungaling upang magawang maprotektahan ako. Hindi man niya inamin ang tunay na dahilan ng paglilihim niya tungkol sa tunay na koneksyon niya sakin, malaki ang posibilidad na ginawa niya 'yon para tulungan ako sa pagsasaayos ng buhay ko.

Kapag iniisip ko na nasa tabi ko lang pala ang nanay ko sa lahat ng panahong lumipas, magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko.

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon