8 : Lunch

611 25 3
                                    

Sana's Pov:

Kasalukuyan kaming magkasama ni Mina sa isang restaurant. Niyakag kasi ako ni Mina. Ayoko nga sanang sumama kaso mapilit siya. Hindi na ako nakaangal.

Pumayag na rin ako bilang pasasalamat sa mga naitulong niya sa mga paninda ko. Isa pa, tama naman siya. Ang tagal ko na ring hindi nakakakain sa labas. Tama siya na kailangan ko ring magkaroon ng panahon para magsaya.

Akala ko magiging masaya talaga ako, tila naudlot ang inaasam kong saya. Bakit? Nakita ko lang naman ulit yung driver ng kinababadtripan kong mayabang na muntik nang makasagasa sakin. At sa dinami-dami pa ng pwedeng matipuhan ng kaibigan kong si Mina, bakit 'yon pa?

"Sabi ko naman kasi sayo, hindi ko siya type." Depensa ni Mina sakin habang nakapwesto kami sa isang table para magtanghalian.

"Talaga ba? Hindi mo ko maloloko, Mina. Kung magkatitigan kayo kanina, para kayong nasa isang kdrama. Sis, sa dinami-dami 'yon pa."

"Bakit ba ang init ng ulo mo sa kanila? Mukhang mabait naman si Chaeyoung eh."

"Sige. Sabihin na nating may pag-asa talagang mabait 'yang Chaeyoung na sinasabi mo. Pero yung boss niya? Nako. Malabong-malabo!"

"Haha. Relax, Sana. Baka atakihin ka sa puso niyan eh."

"Mabuti na lang talaga hindi ko nakita ang bwisit na 'yon ngayon kundi malalagot talaga siya sakin. Hindi pa kami tapos. Ni hindi nga nagsorry 'yon sakin noon. Badtrip talaga."

"Mabuti pa, kumain na lang tayo. Saka nga pala, initext ko si Tzuyu. Sasabay siya sating kumain. Itext mo si Momo. Papuntahin mo rin dito."

"Talaga?"

"Oo. Seryoso." Napatango na lamang ako't agad na initext si Momo. Maya-maya, dumating na si Tzuyu.

"Surprise, B*tches." Nakangiting pagbati niya sabay upo sa tabi ni Mina.

"Language, Tzuyu!" Saway sa kanya ng kanyang ate.

"Kumusta, Tzuyu?" Tanong ko sa kanya dahilan para mapatingin siya sakin nang paseryoso.

"Heto. Buhay pa. At sa nakikita ko, buhay ka padin. Congrats." Kahit paano, kilala ko rin naman ang ugali ng nakababatang kapatid na 'to ni Mina. May pagkamatigas ang ulo. May pagkamaldita din talaga.

"Kumain ka na nga lang, Tzu!" Saway sa kanya ni Mina.

"Fruits and vegetables ang gusto kong kainin." Request ni Tzuyu kaya agad na tumawag ng waiter si Mina upang umorder ng pagkain para sa kanya.

Makalipas ang kalahating oras ng paghihintay, dumating na rin si Momo.

"Nandito na ako. May handaan ba? Nasaan ang mga pulutan? May inuman ba dito? Tara. Walwalan." Masayang sabi ni Momo sabay pwesto sa tabi ko kaya napatapik na lamang ako sa mukha ko dahil sa pinagsasabi ng dormmate kong ito, kahit kailan kasi talaga.

"Ew. Galawang tambay!" Biglang sabi ni Tzuyu kaya natigilan kami.

"Tzuyu, Language!" Muling saway sa kanya ni Mina.

"Ang cute talaga ng kapatid mo, Mina. Sarap sakalin sa sobrang kacute-an." Nakangiting sabi ni Momo habang nakatingin kay Tzuyu na parang batang nagmumukmok dahil sa pananaway sa kanya ng kanyang ate.

"Mabuti pa kumain na lang tayong lahat." Extra ko dahilan para matapos ang matinding tensyon sa pagitan naming apat.

"Next time isasama ko sa walwalan si Tzuyu. Mukhang hindi niya alam kung gaano kasaya 'yon eh." Sabi ni Momo habang kumakain kami.

"Hindi pwede sa mga ganyang trip ang kapatid ko. Papagalitan ako nila Mom at Dad." Sabi kaagad ni Mina.

"Mina Unnie, sa tingin mo sasama ako diyan sa jologs na 'yan? Duh. Ayoko nga."

"Jologs man sa iyong paningin, attractive padin." Sagot ni Momo sabay kindat pa kay Tzuyu dahilan para mapakunot-noo ito sa kanya.

"Isusumbong kita sa ate ko. Mina Unnie, minamanyak ako ni Momo!" Agad na tinakpan ni Mina ang bibig ni Tzuyu kaya naman pareho kaming natawa ni Momo.

"Hoy. Wala akong ginagawang masama sayo. Issue ka ah." Depensa ni Momo.

"Guys, tama na nga 'yan. Kumain na lang tayo." Awat ni Mina sa dalawa.

"Huwag mo nga akong titigan. Ang laswa makatitig nito. Isusumbong talaga kita sa ate ko. Mina Unnie, tinginang manyak kasi si Momo!" Halos mapahagalpak ako ng tawa dahil sa trip ni Tzuyu at Momo sa isa't-isa.

"Minsan naiisip ko talagang bagay kayo eh." Natatawang sambit ko.

"Ew!" Mabilis na reaksyon ni Tzuyu.

"Hi, Baby Tzu." Natatawang sabi naman ni Momo kay Tzuyu dahilan para matawa rin si Mina. Ewan ko ba sa dalawang 'to. HAHAHA.

"Magpicture na nga lang tayo. Pang-IG ko. Lalagyan ko ng caption na Chillin' with the B*tches" Sabi ni Tzuyu sabay tawag ng waiter para makisuyong picture-an kaming apat.

"Tzu, Language!" Saway ni Mina sa kanya kaya napailing na lang kami ni Momo.

- To Be Continued -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- To Be Continued -

A/N: Dahil 4th anniversary naman ng TWICE, 4 chapters lahat-lahat ang ini-update ko. Ang chapter na 'to ay para sa mga MoTzu shippers. Sana nagustuhan niyo. Salamat po.

Vote.Comment.Share

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon