A/N : Watty, Ibalik mo 3k words ko sa chapter na 'to. HAHAHAHA. Dapat nung isang araw ko pa 'to na-publish. May 3k words na sa draft kaso biglang nawala. Nawala din sa revision history kahit ni-save ko naman. So cute. Eto inulit ko na lang. Lol
Momo's Pov :
Nang imulat ko ang mata ko, isang malawak ngunit madilim na kwarto ang siyang kinaroroonan ko.
Naramdaman ko ang pagkakagapos ng magkabilang kamay at paa ko sa upuan kung saan ako nakapwesto.
"Momo." Agad akong napalingon sa tabi ko kung saan naroon din pala si Jeongyeon na siyang katulad sa sitwasyon ko, nakagapos din siya.
"Jeongyeon, nasaan tayo?"
"Hindi ko rin alam."
"Si Nayeon? Nakatakas ba siya?"
"Hindi ko rin alam pero ---"
"Pero ano?"
"Pero umaasa ako na nakatakas nga talaga siya." Sagot ni Jeongyeon kaya naman napahinga na lamang ako nang malalim.
"Kailangan nating makatakas dito, Jeongyeon."
"Paggising ko, nakagapos na tayo dito."
"Sino naman kayang walang-puso ang dumakip satin? Kapag nalaman ko kung sino siya, sasapakin ko siya sa mukha."
"Gising na pala kayo." Napalingon kami ni Jeongyeon sa madilim na bahagi ng kwarto kung saan sumulpot ang isang lalaking dahan-dahan namang lumapit samin.
"I ---Ikaw?" Natitigilang tanong ko nang malaman kung sino ang may pakana sa pagkakadakip samin ng mga armadong lalaki.
"Ako nga. Nakagugulat ba masyado?" Seryosong tanong niya.
"Sino siya? Kilala mo siya, Momo?" Tanong kaagad ni Jeongyeon sakin.
"Siya ang Dad ni Mina." Seryosong sagot ko kay Jeongyeon habang hindi nahihinto ang pagtitig sa Dad ni Mina na nakatayo lamang sa harapan namin.
"Dad ni Mina, Bakit mo ginagawa samin 'to? Anong ginawa namin sayo? Pakawalan mo na kami. Pakiusap." Pagmamakaawa ni Jeongyeon.
"Hmmm. At bakit ko naman kayo pakakawalan? Para maisumbong niyo ko sa mga pulis? Tsk!"
"Ka ---Kakalimutan naming nangyari 'to. Pakiusap. Walang kailangang masaktan dito." Dagdag ni Jeongyeon.
"Ang dami mong sinasabi. Alam mo ba talaga kung bakit nandito kayo? Nandito kayo dahil sa katigasan ng ulo ng mga anak ko, lalong-lalo na si Mina."
"Ano po ba talagang gusto niyong mangyari?" Naguguluhang tanong ko. Hindi ko inaakala na hahantong ang lahat sa ganito. Alam kong may kasamaan nga ang ugali ng Dad nila Tzuyu pero hindi ko inaakalang aabot siya sa ganito.
"Dahil sa pagpupumilit nila Mina na makasama kayo, humantong kayo sa sitwasyong ito."
"Nagpumilit sila na makasama kami dahil karapatan nila 'yon. At higit pa doon, masaya silang makasama kami."
"Masaya? Simula nang nakasama nila kayo, kung ano-ano nang kalokohan ang natutunan nila."
"Tulad ng ano? Sabihin mo."
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...