Dahyun's Pov:
Tahimik akong nagmumuni-muni sa hardin ng mansion kong ito. Iniisip ko parin ang mga salitang nanggaling sa bibig ni Jihyo.
"Hindi pwedeng maulit ang nangyari noon." Nasabi ko na lamang habang inaalala ang isa sa bagay na pinagsisihan ko noon.
"Saan ka pupunta, Dahyun? Alam mong delikadong kumilos ka nang mag-isa. Hayaan mo kami ni Kyungwan na samahan ka." Hinawakan ni Nabong ang kamay ko upang pigilan akong umalis.
"Alam kong delikado pero hindi pwedeng manatili na lamang ako dito. Hindi pwedeng hayaan ko na lang na husgahan ka ng mga tao. Wala kang ginawang masama, Kyungwan. Napagbintangan ka lang ng mga mapanghusgang tao. Kaibigan mo ko. Gagawa ako ng paraan para malinis ang pangalan mo!"
"Dahil sakin nasangkot ka rin sa gulong 'to. Dahil sa ginawa mong pagtulong na makatakas ako, iniisip nila na kasabwat kita. Dahil sakin, nasa peligro rin si Nabong. Hinayaan niyo na lang sana akong maparusahan sa ating bayan." Nalulungkot na sagot ni Kyungwan.
"Hindi ka namin pababayaan, Kyungwan. Mananatili ako sa tabi mo hanggang sa huli. Walang kwentang manatili sa bayang 'yon kung wala ka naman sa tabi ko." Naluluhang sabi naman ni Nabong.
"Hindi ko hahayaang maparusahan ka sa bagay na hindi mo naman ginawa. Malakas ang pakiramdam kong may kung sinong gustong sumira satin. At 'yun ang aalamin ko. Nandito na tayo. Wala nang atrasan 'to."
"Paano si Kyulkyung? Umalis ka nang walang paalam sa kanya." Dagdag naman ni Nabong sakin.
"Maiintindihan niya ako. Alam niyang hindi ko hahayaang mapahamak kayo." Nag-aalalang sagot ko. Si Kyulkyung, siya lang naman ang anak ng aming pinuno. Alam kong nahihirapan rin siya sa nangyayari ngayon, pero kailangan ko 'tong gawin para sa hustisya at katotohanan.
"Hindi rin namin hahayaang mapahamak ka, Dahyun. Importante ka samin ni Nabong. Magtulungan tayo." Awat rin sakin ni Kyungwan na ngayon ay sugatan mula sa naganap na laban sa pagitan ng mga rebelde at sundalo ng kastilyo.
"Sugatan ka, Kyungwan. Kailangan mong magpagaling. Maniwala kayo. Kaya ko na 'to. Hindi pa ito ang huli nating pagkikita. Babalikan ko kayo dito. Kahit anong mangyari, huwag kayong aalis sa ligtas na lugar na 'to. " Kinuha ko na ang aking espada upang maghanda sa pag-alis ko.
"Paano kung hindi ka na namin makitang muli? Mangako ka, Dahyun. Bumalik ka dito. Hayaan mong malaman namin kung ano nang kalagayan mo." Wala na silang nagawa kundi hayaan akong makaalis.
"Babalik ako." Pinagmasdan ko sila sa huling pagkakataon. Masyadong delikado kung sasama pa sakin ang dalawang matalik na kaibigan ko.
Sa dami ng gulong nangyayari ngayon sa kastilyo ng pinuno, kailangan naming doblehin ang aming pag-iingat. Hindi pa nakatulong na pinaghihinalaan ng lahat na miyembro ng mga rebelde si Kyungwan. Nakita kasi ng ilang sundalo kung paano niya tulungan ang mga kaawa-awang miyembro ng rebelde upang makatakas mula sa pagkakabitay sa pagsuway sa utas ng pinuno namin. Kilala ko ang kaibigan kong si Kyungwan, sadyang maawain lamang siya sa lahat ng tao. Kung minsan, kahit na taliwas sa batas ng pinuno ay nangingibabaw parin sa kanya ang awa.
Hindi pa nakatulong na may banta sa buhay ng aming pinuno. Napakastrikto ng pagbabantay sa bawat lugar. Simula nang maramdaman kong hindi na ligtas ang bayan para kay Kyungwan, initakas ko siya. Sumama samin si Nabong. Sa pagtakas ko sa kanila, hindi naiwasan ang pagdanak ng dugo.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...