7 : Angel

644 22 4
                                    

Chaeyoung's Pov:

Nang mabasa ko ang text ni Dahyun, nagmadali na akong pumunta sa mansion dala ang mga gamit ko. Seryoso ba siya? Papayagan na niya akong manatili sa mansion? Nakapagtataka. Bakit kaya?

Nang makarating ako sa gate ng mansion, naabutan kong naglilinis yung dalawang nambulabog sa kanya.

"Magandang araw." Pagbati nila sakin. Sandali akong natigilan ngunit ngumiti na lang din ako sa huli para mabawasan yung awkward atmosphere sa pagitan namin.

Nagmadali na akong pumasok sa mansion para kausapin si Dahyun. Naabutan ko siyang nakaupo sa sofa.

"Miss Kim."

"Finally." Napapangiting sambit niya.

"Anong meron, Miss Kim? Mukhang kakaiba ang mood mo ngayon ah."

"Chaeyoung, nagbalik sila." Galak na galak siyang lumapit sakin.

"Sino po?"

"Si Kyungwan at Nabong. Hindi ko inaasahan na muli ko silang makikita. Kaya pala parang pamilyar ang itsura ng dalawang 'yon noong unang beses ko silang makita. Hindi ko agad narealize." Paliwanag niya sakin.

"Yung dalawang nasa labas?"

"Oo. Hindi ako makapaniwala. Nandito na ulit sila. Malakas ang pakiramdam kong reincarnation nila Kyungwan at Nabong ang dalawang 'yon."

"Sigurado po kayo?"

"Hindi ako pwedeng magkamali."

"Mukhang ang saya-saya niyo po ngayon."

"Inaamin ko, sobrang saya ko ngayong nahanap ko na sila. Akala ko imposible nang muli kaming magkasama-sama. Pakiramdam ko may kinalaman ang pangyayaring 'to sa mga plano ni Jihyo sakin."

"Jihyo? Yung Fairy Queen na palaging sumusulpot dito sa mansion?"

"Tumpak. Malakas ang kutob ko na sila Kyungwan at Nabong ang dalawang 'yon." Sagot niya sakin nang 'di mawala ang ngiti sa labi.

Nagtataka kayo kung bakit alam ko ang tungkol sa fairy queen na palaging bumibisita dito sa mansion? Hindi lang 'yon ang nalalaman ko. Marami pang iba tulad na lang ng tunay na pagkakakilanlan ni Miss Kim.

Bata pa lamang ako, naulila na ako sa aking mga magulang. Sa bahay-ampunan ako tumira hanggang sa maisipan kong tumakas dahil pakiramdam ko ay wala akong kalayaan sa lugar na 'yon.

Pakiramdam ko hindi ako masaya kahit na inaalagaan nila ako doon. May pagkukulang sa puso kong nais kong gawin o alamin kaya naman nagdesisyon akong makipagsapalaran sa kalsada.

Mahirap ang naging buhay ko sa kalsada. Sobrang delikado. Hanggang sa isang gabi, muntik na akong makuha ng masasamang loob na miyembro ng sindikato, akala ko katapusan ko na ngunit may dumating na kung sino. Natigilan ang mga masasamang loob nang makita siya na may makinang na aura mula sa madilim na parte ng eskinita. Ni hindi rin ako nakakilos kaagad nang lumapit siya samin. Sa mabilis na sandali, nag-iba ang kulay ng mata niya dahilan para matakot at magsitakbuhan ang masasamang tao na nakapaligid sakin.

Iniligtas ako ni Miss Kim noong bata pa lamang ako. Simula noon, kinupkop na niya ako't inalagaan. Nakaramdam ako ng takot noong unang mga araw, ngunit ipinaramdam niya sakin na mabuti siyang tao sa pamamagitan ng pagsama sakin sa bahay-ampunan na kinagisnan ko upang magbigay donasyon. Ang bahay-ampunan na tinutukoy ko ay ang bahay-ampunan na madalas naming bisitahin ngayon.

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon