"The one who loved more, is the one who hurts more. I think I'm sick because I've looked at you so much. You're so cold and you're so hurtful. But why I can't let go." 🎶🎶🎶
Mina's Pov :
Sa paglalim ng dilim, tuluyan na naming naihanda ang mga kakailanganin para sa selebrasyon ng birthday ni Chaeyoung.
"Ready na ang bonfire. Jamming na mamaya. Ready na din ang gitara ko." Nakangiting pagkakasabi ni Jeongyeon.
"Eto na yung mga pagkaing iniluto ni Momo." Agad na inilapag ni Tzuyu sa isang pwesto ang lalagyanan ng mga pagkain namin.
Dahil sa pagod kanina sa pagsasaya, nakaramdam kaagad ako ng gutom kaya naman agad akong pumiraso sa chicken na iniluto ni Momo.
"Sigurado akong mamamatay kayo sa pagkaing iniluto ko." Bungad ni Momo habang nginunguya ko yung pagkain.
Agad akong natigilan sa pagnguya sa sinabi niya. Mamamatay? Napatingin kaming lahat kay Momo.
"May nilagay kang lason sa pagkain?" Tanong ni Sana kay Momo na agad na napangisi sabay tingin sakin na hindi pa rin makatuloy sa pagnguya.
"Secret." Sagot ni Momo sabay kindat pa dahilan para mapakunot ang noo ko. Walanghiya. Mamamatay na ata ako ngayon.
"Nakadroga ka ba?" Tanong ko kay Momo na biglang napatawa sakin.
"Ikaw ata ang nakadroga, Mina. Sa tingin mo, magagawa ko talaga 'yon sa inyo? Aish. Ibig kong sabihin, mamamatay kayo sa sarap." Depensa ni Momo sa sarili niya nang may halong pagtawa sakin.
"Tsk. Malay ko ba kung gusto mo talaga akong patayin para hindi ko na kayo mahadlangan ni Tzuyu." Nakapamewang na sagot ko sabay tuloy na sa pagnguya sa kinakain ko.
"Gagawin mo pa akong traydor. Hindi ako traydor. Cute ako." Muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya.
"Tubig." Offer sakin ni Jihyo na agad ko namang tinanggap.
"Cute? Nakakatacute ka." May halong pang-aasar na sabi ko kay Momo.
"Tama na nga 'yan. Para matapos, pareho na kayong nakadroga." Extra ni Tzuyu samin kaya naman napatawa na rin sila Sana.
"Nasaan na ba ang magbe-birthday?" Tanong naman ni Nayeon na nakaakbay kay Jeongyeon.
"Kasama ni Dahyun. Oh. Ayan na si Dahyun." Mabilis na sagot ni Sana sabay turo kay Dahyun na palapit na sa aming lahat.
"Handa na ba kayo?" Excited na pagkakatanong ni Dahyun.
"Hindi ako na-inform na host na pala ng Rated K si Dahyun ngayon." Sabi ni Jeongyeon dahilan para matawa na naman kami.
"Jeongyeon, Lunurin kita sa dagat eh." Asar na sagot ni Dahyun kay Jeongyeon.
"Mauuna kang malunod. Matangkad ako. Ikaw, hindi. Hehehe." Pang-aasar pa rin ni Jeongyeon.
"Aish. Mumurahin na lang pala kita. Put ---" Bago pa maituloy ni Dahyun ang sasabihin niya, umextra na si Chaeyoung. Masyado kaming nawili sa asaran nung dalawa eh. Kanina pa pala nakapaglakad palapit samin si Chaeyoung.
"Moment ko 'to eh. Magsitigil kayo." Agad na naupo sa tabi ko si Chaeyoung. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan siyang masaya na nakatingin saming lahat.
"Sana nagustuhan mo ang birthday celebration mo na 'to kahit simple lang." Sabi ni Dahyun dahilan para mas lumaki ang ngiti sa labi ni Chaeyoung.
"Unang-una sa lahat, maraming salamat sa pagtanggap ng imbitasyon ko para sa inyo. Masaya akong nakasama ko kayong lahat. Lubos ang pasasalamat ko sa inyong lahat na nag-effort para sakin. Sobra-sobra na 'to para sakin. Nagustuhan ko nang sobra. Isa pa, ako naman 'tong may gusto na maging simple ang pagsecelebrate na 'to. Bongga naman yung mga taong kasama ko. Yun yung mahalaga para sakin." Panimula samin ni Chaeyoung.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfic𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...