Nayeon's Pov :
Mabilis na pumapatak ang luha sa aking mata kasabay ng mabilis na paggalaw ng aking paa upang humingi ng tulong.
"Tulong!" Katangi-tanging salita na lumalabas mula sa aking bibig.
May mga iilan na taong nakasaksi sa masalimuot na pangyayari kanina ngunit ni isa sa kanila, walang sumubok na tumulong.
Ganito na ba ang mundo ngayon? Wala akong nagawa kundi tumakbo na lamang pabalik sa mga taong tiyak na makakatulong sakin.
Sa pagmamadali ko, may mga pagkakataong nadadapa pa ako ngunit kailangan kong bumangon. Kung hindi ako tatayo mula sa pagkakadapa, paano ko magagawang iligtas sina Jeongyeon at Momo?
Ito na ba yung ikinukwento ni Fairy Queen Jihyo samin ni Jeongyeon noon? Minsan naming naitanong sa kanya kung anong kinahantungan ng buhay namin ni Jeongyeon.
At sinabi niyang namatay kami nang kasama ang isa't-isa sa nakaraang buhay namin. Pero sa pagkakataong ito, hindi kami magkasama.
Kung mas malakas lang sana ako sa mga masasamang tao na 'yon, hindi sana sila nalagay sa panganib. Nagawa ko sana silang tulungan. Pero hindi ganon eh, mahina ako.
Naging duwag ako. Imbes na manatili sa tabi ni Jeongyeon hanggang dulo, tumakbo ako palayo. Alam kong 'yun ang iniutos niya sakin, ngunit hindi pa rin magbabago ang katotohanang tumakbo ako palayo sa pagkakataong ito.
Ilang minuto rin ang tinakbo ko hanggang sa tuluyan ko nang marating ang kinaroroonan nila Mina.
"Nayeon!" Masayang pagkakasigaw ni Chaeyoung habang kumakaway sakin. Ngunit nang mapansin nila na umiiyak akong tumatakbo palapit sa kanila, nawala ang mga ngiti sa labi nila.
"Tulong!" Humahagulgol na pagkakasabi ko nang tuluyan akong makalapit sa kanila.
"Nayeon, Anong nangyari?!" Gulat na tanong ni Fairy Queen Jihyo nang yumakap ako sa kanya nang mahigpit.
"Nasaan sila Jeongyeon at Momo?" Tanong naman ni Tzuyu sakin.
"Tu ---Tulong!" Pagkakaulit ko sa kanila.
"Relax, Nayeon. Huminga ka muna nang malalim. Ano bang nangyari?" Nag-aalalang tanong naman ni Mina.
"Tulungan natin sila Jeongyeon at Momo. Pa ---Pakiusap!" Nagpapanic na pagkakasabi ko sa kanila.
"Anong nangyari sa kanila? Tell me, Nayeon!" Agad akong hinawakan ni Tzuyu sa magkabilang braso para iharap sa kanya.
"Tzu ---Tzuyu, sila Momo." Umiiyak na sagot ko. Nahihirapan akong magsalita dahil sa sobrang pag-aalala.
"Maupo ka muna dito, Nayeon. Uminom ka muna ng tubig." Agad kong tinanggap ang tubig na inalok sakin ni Chaeyoung.
"Tatawagin ko lang sina Dahyun at Sana." Pagpapaalam samin ni Jihyo. Habang tinatawag ni Jihyo yung dalawa, pinakalma muna ako nila Mina.
"Tulong." Mahinang pagkakasabi ko habang nakaupo sa tabi nila.
"Huwag kang mag-alala, Nayeon. Tutulungan ka namin. Pero bago ang lahat, kailangan mo munang sabihin samin kung ano ba talagang nangyari. Nasaan sila Jeongyeon at Momo?" Seryosong pagkakasabi sakin ni Tzuyu.
"Kinuha sila ng mga armad ---" Bago ko matapos ang sasabihin ko, nagsalita na si Mina na nakatingin sa kanyang phone na tila ba may nabasa o nakita siyang kakaiba.
"Parang alam ko na kung nasaan sila." Naluluhang sabi ni Mina samin nang mapatingin kami sa kanya.
"H ---Huh? Anong ibig mong sabihin, Mina?" Tanong ni Chaeyoung sabay tingin sa phone ni Mina.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...