68 : Sabik

621 16 35
                                    

A/N :  Pakinggan niyo yung song sa multimedia section. Ang ganda.

Chaeyoung's Pov :

Napamulat ang mata ko nang makaramdam ako ng kung ano. Tumambad sa harapan ko si Fairy Queen Jihyo na inaayos-ayos ang buhok ko habang payapa akong natutulog.

Agad akong napaiktad mula sa kinahihigaan ko't napatitig sa kanya na hindi agad makapagsalita. Nakatingin lang din siya sakin.

"A ---Anong ginagawa mo dito, Fairy Queen?" Nagtatakang tanong ko.

"Ah. Bumisita lang ako." Sagot niya sabay ayos ng upo sa gilid ng kama. Agad rin naman akong bumangon upang sumilip sa bintana. Maliwanag na pala.

"Don't worry, magsisimula palang ang araw mo. Hindi ka naman malelate sa dinner date niyo ni Mina." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Paano mo nalaman na may  dinner date kami mamaya?"

"Hulaan mo." Napapangiting sagot niya.

"Fairy Queen, ini-stalk mo ba kami ni Mina?" Curious na tanong ko sa kanya.

"Sabihin nating paminsan-minsan bumibisita ako nang hindi niyo nalalaman."

"Stalker ka pala, Fairy Queen." Sambit ko dahilan para mapatawa siya.

"Sa totoo, bumisita lang ako dito upang bigyan ka ng suporta."

"Suporta saan?"

"Sa dinner date niyo ni Mina."

"Anong klaseng suporta, Fairy Queen?"

"Tadaaaaaaa!" Nagulat ako nang makakita ng samu't saring chocolates, flowers at stuffed toys sa gilid ng kama ko.

"Binili mo 'yan?"

"Yes." Proud na pagkakasagot niya.

"Ba ---Bakit?" Hindi ako sanay ng ganito. Nakakapanibago. Bakit may paganito si Fairy Queen? Hindi ko gets.

"Para kay Mina. Ibigay mo sa kanya mamaya."

"Bibigyan mo ng gifts si Mina? Magkakilala kayo, Fairy Queen?"

"Hindi. Ibig kong sabihin, ikaw ang magbibigay sa kanya niyan. Regalo mo para sa kanya."

"Ah. Ganon? Nako. Fairy Queen, nag-abala ka pa. Maraming salamat. Hindi mo naman kailangang gawin 'to para lang matulungan ako kay Mina eh."

"Gusto ko."

"Nakakahiya, Fairy Queen. Nageffort ka pa."

"Wala 'yon. Basta mag-enjoy lang kayo ni Mina mamaya. Okay? Kapag kailangan mo ng tulong ko, tawagin mo lang ako." Sagot niya sakin. Pakiramdam ko tuloy protektadong-protektado ko dahil kay Fairy Queen.

"Maraming salamat sa suporta, Fairy Queen. Sobrang bait mo ata sakin." Napapakamot-ulong sabi ko sa kanya.

"Gusto kong bumawi sayo." Natigilan ako lalo sa sinabi niya. Bakit may pagbawi? Kinakabahan na ako dito ha.

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon