Tzuyu's Pov :
"Anong sinabi mo?" Gulat na tanong ko kay Momo habang nasa kalagitnaan kami ng mabilis na dinner date namin.
"Buntis si Sana."
"At ikaw ang ama? I can't believe it, Momo!" Napa-facepalm siya dahil sa sinabi ko.
"Savog ka, Tzuyu?"
"Sagutin mo ang katanungan ko. Madalas kong makita 'to sa mga drama. Makikipagkita ka sakin tapos aaminin mo na nakagawa ka ng kasalanan. Dahil may magiging anak na kayo, makikipaghiwalay ka sakin. Tapos magmu-move on ako. Pero sa oras na makapag-move on ako, muli kang babalik sakin para pakiusapan akong makipagbalikan sayo dahil napagtanto mong mahal na mahal mo pala talaga ako!"
"Gutom lang 'yan, Tzuyu. Kakanood mo ng mga drama 'yan eh. Malamang si Dahyun ang nakabuntis sa kanya." Seryosong sabi ni Momo kaya naman napa-giggle ako.
"Alam mo --- ang cute mo pala talaga kapag naaasar eh."
"Para ka kasing sira. Alam mo namang hinding-hindi ako magsisinungaling sayo." Sambit niya sabay kain sa pagkaing inorder naming dalawa.
"Sandali, Momo."
"Huh?"
"May dumi ka pa sa labi mo. Para kang baby kung kumain. Lumapit ka nga dito. Tatanggalin ko." Agad naman siyang umusod palapit sakin.
Sa mabilis na sandali, hinawakan ko siya sa leeg at hinila lalo palapit sakin dahilan para magulat siya. Hinalikan ko siya sa labi.
Para siyang naestatwa sa pwesto niya. Muli akong napa-giggle sa kanya.
"Tzu ---Tzuyu, Bakit mo ko hinalikan?" Natitigilang tanong niya.
"Tinanggal ko lang ang dumi sa labi mo." Sagot ko nang may lalong ngiti.
"Ah. Tzuyu, may gusto sana akong sabihin sayo." Bungad niya.
"Ano 'yun? Gusto mo ding tanggalin ang dumi sa labi ko? Okay. No problem." Sagot ko sabay akmang lalapit muli sa kanya kaso pinigilan niya ako.
"Wait, Tzuyu." Seryoso ang reaksyon niya kaya naman napaisip ako kung ano bang bumabagabag sa kanya.
"Hmmm?"
"Gusto ko sanang dumaan tayo sa mas maayos na proseso." Sagot niya sabay hawak sa kamay ko.
"Anong ibig mong sabihin?" Curious na tanong ko. Hindi ko maintindihan. Naamin na naman namin sa isa't-isa na pareho ang nararamdaman naming dalawa.
"Alam naman natin na kilala na ako ng ate mo. Pero hindi sapat na dahilan 'yon para magpaka-kampante ako. Gusto kong dahan-dahanin muna natin ang mga bagay-bagay sa ating dalawa."
"Hindi kita maintindihan, Momo. Balak ko namang sabihin kay ate sa lalong madaling panahon eh. Humahanap lang ako ng tiyempo. Isa pa, alam naman natin na magkaibigan din kayo ni ate. Maiintindihan niya tayo." Dahilan ko sa kanya.
"Hindi 'yun ang punto ko, Tzuyu. Gusto kong magsimula sa umpisa. Hayaan mo kong ligawan ka. Hayaan mo kong magpakilala nang maayos sayo. Hayaan mo kong mas patunayan kung gaano ako kaseryoso sayo. Aakyat ako ng ligaw sayo sa bahay niyo. Ipaparamdam ko sayo kung gaano ka karapat-dapat na mahalin."
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...