4 : Paano?

747 29 5
                                    

Dahyun's Pov:

Nang mawala sa paningin ko ang Fairy Queen na si Jihyo, minabuti kong dumiretsyo na lamang sa library ko kung saan nakalagay ang iba't-ibang klase ng libro na siyang binasa ko noong maisip kong baka may ibang paraan pa para makawala ako sa tadhana ko.

Ngunit nabigo lamang ako, ni isang kasagutan sa mga katanungan ko ay hindi man lang nasagot. Kasabay ko na ngang tumanda ang karamihan sa mga libro dito. Sabihin na nating sa pagbabasa ng kung ano-anong libro naubos ang mahabang panahon na ginugol ko sa mundong 'to.

600 taong pagdurusa. Minsan napapaisip ako kung hanggang kailan kaya ako tatagal nang ganito. Aabutan pa kaya ako ng 1000 taong gulang bago ako tuluyang palayain ni Jihyo. Isa lang ang masasabi ko, pagod na pagod na akong mamuhay nang ganito.

Parang walang katapusan. Parang walang bagong nangyayari sa buhay ko. Paulit-ulit lang talaga. Hindi magandang ideya para sakin ang makihalubilo sa mga tao dahil sa huli, alam kong aalis din sila. Iiwanan din nila ako. Masasaktan lang ako nang paulit-ulit.

Kahit ilang beses ko nang sinubukang tapusin ang buhay kong 'to, hindi ko magawa dahil palaging dumarating si Jihyo para mapigilan ako sa pamamagitan ng kapangyarihan niya. Kahit gustong-gusto ko nang maglaho sa mundong 'to, hindi ako mamatay-matay.

Paano ko malalaman ang kasagutan para matapos na ang paghihirap ko? Ayaw namang magbigay ng clue o ano pa man ni Jihyo.

"Ano kaya kung kalabanin ko ulit ang Fairy Queen na 'yon? Hmm." Napaisip ako kung tama bang ulitin ko ang ginawa ko noon kung saan sinubukan ko siyang kalabanin. Anong laban ko sa kanya?

Kontrolado niya parin ako kahit na maraming kakaibang kakayahan siyang ipinagkaloob sakin. Hawak parin niya ako sa leeg. Pinilit ko siyang talunin noon ngunit masyado siyang malakas. Sino ba naman ako kumpara sa Fairy Queen na kinalabab ko?

Lumingon ako sa paligid ng library. May nararamdaman akong kakaiba. Isa 'to sa ipinagkaloob na kakayahan ng Fairy Queen sakin. Hindi ko maintindihan kung bakit binigyan niya ako ng kakaibang kakayahan. Alam naman niyang nagbabalak akong talunin siya. Sa katunayan, para na rin nga akong isang fairy dahil sa mga kakayahang meron ako ngayon, ngunit hindi sapat para talunin si Jihyo. Kaasar. May iba pa kaya siyang plano?

Sa tuwing maaalala ko kung paano niya ako tinalo nang sobrang dali noon, nababadtrip ako. Paano ko ba siya matatalo? Anong dapat kong gawin? Sa pagkainis ko, hindi ko na napigilan ang emosyon ko.

Napansin ko ang mga nalantang bulaklak sa may bintana ng library room, napabayaan ko na naman pala. Sa pamamagitan lamang ng pagkontrol ko sa mga nalantang halaman, mabilis na nagnumbalik ang sagana at pagkasariwa nila.

Ganito na lang ba ang magiging buhay ko hanggang sa katapusan? Tagapangalaga ng mga bulaklak, halaman o ano pa mang may kinalaman sa kapaligiran?

"Tatalunin talaga kita, Jihyo." Nasabi ko na lamang habang pinagmamasdan ang mga bulaklak na ngayo'y maganda ang itsura.

"Talunin mo mukha mo." Nagulat ako sa biglaan na namang pagsulpot ni Jihyo. Sa pagkakataong ito, hindi makikita ang kanyang magandang pakpak. Hindi mahahalata ng ibang tao na isa siyang Fairy Queen dahil sa itsura niya ngayon. Parang pangkaraniwang tao lang din ang pormahan niya ngayon.

"Ano na namang ginagawa mo dito, Jihyo?"

"Fairy Queen, sabi eh."

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon