"You breathe in me, with a sigh of longing. You breathe inside me, and make my heart flutters. I lose everything and breathe in your shadow. The only thing that made it a beautiful world is because of you." 🎶🎶🎶
Jihyo's Pov :
Palapit na nang palapit ang paglalim ng dilim ngunit patuloy pa rin ang pagsasaya ng lahat sa tabing dagat.
Masaya akong masaksihan ang isa sa pinakamagandang pangyayari sa buhay ng dalawang taong importante sakin. Kitang - kita ko kung gaano kasaya si Chaeyoung at Dahyun ngayon.
Aminado rin naman akong masaya akong makasama silang lahat ngayon. Seryoso akong klase ng tao pero hindi ko mapigilang makipagtawanan at lokohan sa kanila dahil madali silang pakisamahan.
Ngunit aminado rin naman akong may halong kaba at pangangamba ang nararamdaman ko ngayon. Bakit? Ilang oras na lamang ang lilipas, sasapit na ang ika-21 na kaarawan ni Chaeyoung.
Hindi ko mapigilang isipin yung sinabi sakin ng May Likha noon. Noong tumungtong sa edad na 21 si Dahyun, unti - unti nang lumabas ang kapangyarihan niya. Kinakabahan ako para kay Chaeyoung.
Minabuti kong maupo na muna sa buhanginan upang pagmasdan na muna silang magsaya. Kung pwede ko lang sana silang ilayo sa mga bagay na posibleng mangyari, gagawin ko kaso miski ako naguguluhan pa rin sa mga nangyayari.
Bigla kong naalala ang mga bagay na sinabi sakin ng May Likha noon.
"May mga bagay na initadhanang mangyari. Ngunit sa masasamang pangyayari, nauudlot ang mga ito."
"May kasalanan ding nagawa ang inaakala mong nadamay lamang."
"Ang nais ko'y matutunan niyo ang mga dapat niyong matutunan. Makamit ng lahat ang karapat-dapat na makamit nila."
"May dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay."
Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung ano ba talagang nais niyang ipahiwatig sa mga bagay na sinabi niya.
Muli akong napalingon kila Dahyun, kasabay ng pagsulpot ng samu't-saring katanungan sa aking isipan.
"Ano bang karapat-dapat na makamit ko at ng mga taong nasa harapan ko ngayon?"
"Sa huli, ang pagiging masaya namin --- mapapabilang ba sa tuluyang magaganap o sa mauudlot na parte?" Nasabi ko na lamang habang nagmumuni-muni.
"Sisiguraduhin nating hindi mauudlot ang pagsasaya nating ito." Nagulat na lamang ako nang biglang sumulpot sa tabi ko si Chaeyoung.
"Ah. Chaeyoung, Ikaw pala." Umupo siya sa tabi ko't ngumiti sakin.
"Hindi ko alam kung anong bumabagabag sa isipan mo, Fairy Queen Jihyo. Pero gusto kong malaman no na nandito lang kami para sayo. Hindi mauudlot 'tong pagsasaya natin sa kaarawan ko. Ito na ang pinakamasayang pagsalubong sa birthday ko. Hindi ko palalagpasin ang pagkakataong ito." Masayang pagkakasabi ni Chaeyoung sa tabi ko.
Nasaksihan ko kung paano i-celebrate ni Chaeyoung ang mga nakaraang birthday niya. Noong nasa bahay-ampunan pa lamang siya, hindi niya magawang i-celebrate ang birthday niya. Ang tagal ko rin siyang hinanap noon. At noong araw na natagpuan ko ang kinaroroonan niya, binantayan ko na siyang muli nang palihim.
Wala akong makitang ngiti sa labi niya noon. Hanggang sa pagtakas niya sa bahay-ampunan, ginabayan ko siya nang pasikreto. Ngunit hindi ko inaasahan noon na magku-krus na ang landas nila ni Dahyun. Iniligtas siya ni Dahyun mula sa mga masasamang loob na gustong manakit sa kanya.
Simula noong kupkupin siya ni Dahyun, may konting ngiti na akong nakita sa labi niya sa tuwing magdidiwang siya ng kaarawan. Masaya naman talaga siyang magcelebrate kasama si Dahyun pero parang may kulang pa rin sa ngiti niya noon.
At ngayon, masasabi kong nadagdagan na ang ngiti sa labi niya. Hindi lang basta ngiti, nakikita kong hindi lang siya basta nakangiti, masaya siya. Masayang-masaya. Sa mga susunod pang kaarawan niya, umaasa akong mas madadagdagan ang saya sa buhay niya.
Muling nagnumbalik sa isip ko ang pagkukrus ng landas nila ni Dahyun kasabay ng pagkakaalala ko sa isa sa mga sinabi ng May Likha.
"May mga bagay na nakatadhanang mangyari. Ngunit sa masasamang pangyayari, nauudlot ang mga ito."
Hindi nagkaroon ng pagkakataon na magkakilala si Dahyun at ang kanyang anak noon.
Nandoon yung ideya na minsan nga silang nagkasama noong nasa sinapupunan pa ni Anna ang anak nila, pero hindi naman nila alam na nag-eexist ang isa't-isa.
Sa pagkamatay ng apo ko noon, pumili ang puso niya ng taong karapat-dapat na mabigyan pa ng pagkakataong mabuhay. Walang iba kundi si Ttalgi na siyang may ginintuang puso ng isang tunay na matapang na sundalong may pagmamahal sa kanyang kapwa. Naging isa ang aking apo at si Ttalgi. Nabuhay nang matiwasay hanggang sa paghinto ng paghinga.
At sa muling pagkabuhay ni Ttalgi bilanh si Chaeyoung sa ikalawang buhay niya. Ramdam kong muli ring nabuhay ang aking apo sa puso niya. Alam kong hindi ko kadugo si Ttalgi o si Chaeyoung man. Pero alam ko ring naging isa na sila ng aking apo. Nasa kanya ang puso't kaluluwa ng aking apo. At aminado akong napamahal na rin ako sa kanya.
Mahalaga siya sakin. Mahal ko siya kahit na sino pa siya. Siya man si Ttalgi, Chaeyoung o ang apo ko.
Hindi naman mahalaga na maging kadugo mo ang isang tao para matawag silang pamilya. Lahat pwedeng mapabilang sa kahit anong pamilya.
Hindi sa dugo nakabase ang pagiging pamilya, kundi sa puso.
Sa pagku-krus ng landas ni Dahyun at Chaeyoung, initadhana rin ba 'yon na maganap? Nanlaki ang mata ko nang may mapagtanto ako habang nagmumuni-muni sa tabi ni Chaeyoung.
Naudlot ang pagkakakilala ni Dahyun at ng aking apo sa nakaraan. Maaaring ito na ang initadhanang panahon kaya tuluyan nang maganap ang naudlot nilang pagkikita noon.
"Tuluyan na kayong nagkita." Nasabi ko na lamang nang may ngiti sa labi. Napatingin sakin si Chaeyoung na tila ba nagtataka sa sinasabi ko.
"Huh? Anong sinasabi mo, Fairy Queen? Tuluyan na kaming nagkita? Nino?"
"Umaasa ako na sa susunod, tuluyan niyo na ring makikilala ang isa't-isa sa paraan kung paano niyo dapat makilala ang isa't-isa." Hindi ko mapigilang makaramdam ng pag-asa at motibasyon na magpatuloy sa paglaban mula sa mga bagay na ikinababagabag ko dahil sa reyalisasyon na napagtanto ko.
"Fairy Queen Ji ---" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil niyakap ko siya nang may halong ngiti sa aking labi.
"Tumayo na nga tayo. Makihalubilo na ulit tayo sa kanila." Hinawakan ko na si Chaeyoung sa kamay bago siya tuluyang hilahin palapit kila Dahyun. Natawa na lamang siya nang agad ko siyang talamsikan ng tubig mula sa dagat.
Panghahawakan ko ang bagay na napagtanto ko. Unti-unti nang nagiging malinaw sakin ang lahat.
- To Be Continued -
A/N : Abangan ang nalalapit na pagtatapos.
Vote.Comment.Share
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...