10 : Libre

529 24 1
                                    

Sana's Pov:

Pagmulat pa lamang ng mata ko, bumangon na kaagad ako mula sa kama. Maganda-ganda ang gising ko ngayon. At paano dapat sinecelebrate ang panibagong araw?

Binuksan ko ang bintana para mas lumiwanag sa loob. Nagpatugtog ako ng kung ano-anong kanta sa bago mag-exercise nang sandali sa loob ng kwarto. Hindi ko narinig agad ang pagbukas ni Momo ng pinto ng kwarto ko.

"Anak ng ---" Nagulat siya nang makita akong sumasayaw. Natigilan rin ako bago tuluyang ihinto ang tugtog.

"Bakit hindi ka muna kumakatok?!" Badtrip na tanong ko sa kanya.

"Kumakatok kaya ako kaso ang lakas ng tugtog sa loob ng kwarto mo kaya pumasok na ako. 'Yun pala nagsu-zumba ka lang diyan."

"Eh ano naman?!"

"Don't tell me pati pagsu-zumba instructor papasukin mo na?"

"Hmmm. Binigyan mo ko ng magandang ideya, Momo!"

"Huh?" Naguguluhang tanong niya.

"Bakit nga ba ni hindi ko naisip magsideline bilang zumba instructor? Tatandaan ko 'yan. Ma-try 'yan sa susunod."

"Hindi ka ba napapagod, Sana? Halos lahat na ata ng trabahong pwede mong pagkakitaan, pinupush mo."

"Kailangan kong magsipag. Palibhasa tamad at puro katakawan ka lang eh." Nakapamewang na sambit ko sa kanya.

"Hoy, nagtatrabaho ako sa isang restaurant." Depensa niya.

"Madalas ka namang absent sa trabaho. Saka alam ko namang yung jokbal lang don sa restaurant 'yung dahilan bakit ka nagtatrabaho don. May palibreng jokbal kasi sa mga empleyado, diba."

"Omg. Paano mo nalaman ah?!"

"Siyempre palagi mong kwento sakin."

"Sige na. Inaamin ko, masarap talaga yung jokbal sa restaurant na 'yon. Ang mahalaga may trabaho ako. Ikaw? Kailan ka hahanap ng isang trabaho na pagkakakitaan mo nang maayos?"

"Sa hirap ng buhay ngayon, hindi ganon kadali. Wala akong choice kundi magsipag at magtiyaga sa pasideline-sideline."

"Mukhang maganda ang gising mo ngayon ah. Wala ka bang lakad?" Tanong niya nang mapansing hindi ako nagmamadali ngayong araw sa pag-alis.

"Pahinga ako ngayong araw. Bakit natanong mo?"

"Dumaan kasi kaninang umaga si Mina dito. May sasabihin sana siya sayo kaso tulog ka pa, tawagan mo na lang daw siya."

"Ganon? Oh sige."

"Paano? Magluluto na muna ako ng almusal natin."

"Lakad na." Akma na sana akong tutuloy sa pagsasayaw nang mapansin kong hindi parin siya kumikilos.

"Oh? Akala ko ba magluluto ka?"

"Wala akong perang pambili ng lulutuin." Napapakamot-ulong sagot niya.

"Bwisit ka talaga! Akala ko pa naman manlilibre ka ngayong araw. Buraot ka talaga, Momo!"

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon