Dahyun's Pov :
Kinagabihan sa mansion, abala ako sa pagbabasa ng kung ano-anong libro sa aking silid-aklatan nang maramdaman ko ang presensya ni Jihyo.
"Alam ko namang nandiyan ka. Magtatago ka pa." Seryosong pagkakasabi ko bago tuluyang lumingon sa aking kanan kung saan kumpirmadong nakapwesto si Jihyo.
"Kumusta?" Seryoso ding pagkakatanong niya sakin.
"Ilang araw ka ring hindi nagparamdam, Jihyo. Ako ang dapat na nagtatanong sayo niyan. Kumusta?"
"Ganon pa din naman." Matipid na sagot niya sakin kaya naman ibinaba ko na muna ang librong hawak ko upang lapitan siya.
"Noong huling beses tayong nagkasama, may naabutan akong hindi ko inaasahang maaabutan ko na kasama mo. Siguro ito na ang tamang panahon upang ipaliwanag mo sakin ang bagay na 'yon."
"Siguro nagtataka ka kung bakit nagmadali akong umalis nang panahong 'yon, hindi ko pa masasabi sayo ang tungkol sa bagay na 'yon. Pero ang masasabi ko lang, tama ang iniisip mo. Hindi basta-basta paru-paro ang nakita mo kundi ang May Likha." Sagot sakin ni Jihyo dahilan para mapaisip ako nang mas malalim.
"Ang May Likha?"
"Hindi natin namamalayan na palagi siyang nandiyan. Ginagabayan tayo sa bawat bagay na ginagawa natin. Maaaring napansin mo na siyang umaaligid sayo noon pa man."
"Tama. Parang napansin ko na ang paru-parong 'yon noon. Ibig sabihin, maaaring alam niya ang mga kasagutan kung bakit nagkaganito ang buhay ko?"
"Oo. Alam ng May Likha ang dahilan. Makapagbibigay siya ng sagot sayo ngunit hindi mo 'yon makukuha sa kanya."
"Anong ibig mong sabihin, Jihyo?"
"Ikaw mismo sa sarili mo ang aalam ng tadhana mo. Ikaw mismo ang tutuklas sa mga dahilan kung bakit nangyayari sayo ang mga bagay-bagay."
"Magkakilala ba kayo ng May Likha?" Tanong ko kay Jihyo na agad namang napatingin sakin.
"Oo. Noon pa man, kilala ko na ang May Likha." Kung minsan napapaisip ako sa tunay na pagkatao ni Jihyo. At kung bakit nandito pa rin siya't matagal na nananatili sa mundong 'to kasama ko.
Napagtanto ko na ni minsan pala hindi ako nagkaroon ng tyansa na tanungin siya sa naging buhay niya noon dahil masyado akong nagfocus sa pansariling buhay ko.
"Ah. Jihyo, Matanong ko lang. Matagal na tayong magkasama. Sinabi mo sakin noon na ikaw ang magsisilbing guide ko sa mundong 'to. Pero ni minsan, hindi ko nalaman ang nakaraan mo." Panimula ko.
"Fairy Queen ako na naatasang mangalaga sa isang kagubatan noon. Ngunit dumating ang isang araw kung saan may nakilala akong isang lalaki na sundalo ng Pamahalaan."
"Sundalo ng Pamahalaan?"
"Oo. Hinahabol siya ng mga kapwa-sundalo niya. Medyo may pagka-basag ulo talaga ang lalaking 'yon nang makilala ko siya. Akala ko 'yon ang una at huling pagkikita namin, nagkamali pala ako dahil dumalas ang pagbisita niya sa kagubatang pinangangalagaan ko."
"Hulaan ko. Nahulog ang loob niyo sa isa't-isa?" Tanong ko sa kanya. Pansin ko naman sa ngiting namumuo sa labi niya habang nagkukwento siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/203242179-288-k304404.jpg)
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fiksi Penggemar𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...