Tzuyu's Pov :
Bago pa magdesisyon si Momo, alam ko na ang isasagot niya nang alukin siya ni Dad ng briefcase na naglalaman ng pera.
Kilala ko si Momo. Hindi siya nakabase sa pera. Minahal niya ang pagkatao ko, hindi ang estado ko sa buhay.
Alam kong hindi niya tatanggapin ang pera na inaalok sa kanya ni Dad. Hindi matutumbasan ng pera ang pagiging mapagmahal na tao ni Momo. Mas lalo ko siyang minahal dahil sa ugali niyang 'yon.
Pero may parte sakin na umaasang tanggapin niya 'yon. Bakit? Hindi ko maatim na tiising nasasaktan siya nang dahil sakin. Kung hindi pa ako dumating, baka hindi lamang bugbog at pasa ang natamo niya. Ayoko nang umabot sa puntong 'yon.
Masakit man sa parte kong makita na hindi na marinig mula sa kanya na mahal niya parin ako, titiisin ko. Ang dami na niyang tiniis para sakin. Panahon na rin siguro para ako naman ang magtiis para sa kanya.
Paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko na sana tanggapin na ni Momo dahil sa oras na hindi niya tanggapin 'yon, posibleng mas masaktan na naman siya. Pakiusap, Momo. Tanggapin mo na. Pakiusap.
"Mahal ko ang anak niyo. Hindi ko siya lalayuan!" Nang marinig ko ang isinigaw ni Momo sa Dad ko, may luhang pumatak mula sa mata ko.
"Kung hindi mo siya lalayuan, siya ang lalayo sayo!" Sigaw rin ni Dad kay Momo. Kilala ko si Dad. Ramdam ko na ang pagkadesperado sa boses niya. Natatakot ako. Natatakot ako sa kung anong pwede niyang magawa kay Momo.
Anong dapat kong gawin? Halos maubusan na ako ng paraan kung paano mapipigilan ang gulo na dumating sa buhay naming lahat. Hindi tinanggap ni Momo 'yung pera. Kailangan may gawin ako para mailayo siya sa peligrong 'to.
Agad kong binitbit ang briefcase na iniaalok ni Dad kay Momo. Kung hindi niya 'to tatanggapin, ako na mismo ang tatanggap para sa kanya. Mas gugustuhin ko pang kamuhian niya ako kaysa makita siyang masaktan na naman nang dahil sakin.
Kung ito lang ang tanging paraan para maprotektahan siya, gagawin ko. Sa isip ni Dad, nakasasama si Momo sa buhay ko. Pero yung totoo, ako ang nakasasama para sa kanya.
"Hmmm. Mukhang nakapagdesisyon na ang anak ko. Haha! Anak nga talaga kita." Napapangising sabi ni Dad.
"Tzu ---Tzuyu, Bakit?" Natitigilang tanong ni Momo sakin.
"Sorry." Nasabi ko na lamang nang magkatagpo ang mata naming dalawa. Kitang-kita ko kung paano bumagsak ang luha niya dahil sa ginawa ko.
Sa titig pa lang niya, alam kong marami nang tanong ang pumapasok sa isipan niya.
Sinabi ko sa kanyang wala akong pakialam kung may mas karapat-dapat na iba para sakin. Pero hindi ko nabanggit sa kanya na may pakialam ako sa kung anong mas karapat-dapat para sa kanya, at alam kong hindi ako ang mas karapat-dapat na 'yon.
"Tzuyu, Huwag. Pakiusap." Sambit ni Momo habang hindi pa rin inaalis ang tingin sakin.
"Nakapagdesisyon na ako." Desididong sagot ko dahilan para mas dumami ang luhang pumapatak sa mata niya.
"Isang milyon lang ang katapat mo." Bulong ni Dad kay Momo.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...