51 : Alaala

555 20 14
                                    

Dahyun's Pov :

Nang imulat ko ang aking mata, phone ko agad ang aking hinanap. Iba ang pakiramdam ko sa paggising sa panibagong araw na 'to. Para bang ang gaan-gaan sa pakiramdam.

May isang malaking ngiti na nabuo sa aking labi nang mabasa ko ang text message mula kay Sana.

"Good morning, Baby. Kumusta ang tulog mo? Nag-overnight dito sa apartment sila Tzuyu at Mina."

Agad na akong bumangon sa kama upang magreply kay Sana.

"Good morning din, Baby. Malamang napuyat kayo. Magpahinga ka nang mabuti. Okay? Susunduin kita diyan sa inyo bukas. May pupuntahan tayong dalawa. Maayos naman ang naging tulog ko dahil sayo."

"Abot-tenga ang ngiti mo ah." Nagulat ako sa biglaan na namang pagsulpot ni Jihyo. 

"Palagi ka na lang nanggugulat, Jihyo."

"Fairy Queen sabi eh." Sagot niya sabay upo sa isang tabi upang kausapin ako. Mistulang parang isang normal na tao ang itsura niya sa mga oras na 'to. Nakasuot lang din siya nang simpleng kasuotan. Hindi makikita ang magagandang pakpak niya sa mga oras na 'to.

"Ano na namang pinunta mo dito? Dumadalas ata ang hindi mo pagpapakita."

"Namiss mo ko?" Tanong niya kaya naman napakunot-noo ako.

"Sadyang nagtataka lang ako na parang minsan ka na lang magpakita."

"May mga bagay-bagay kasi akong inaasikaso." Sagot niya sakin habang pinagmamasdan ang mga halamang nakalagay sa gilid ng bintana ng kwarto ko.

"Ano naman ang mga bagay na 'yon?"

"Hindi mo na kailangan pang malaman."

"Hindi mo pa sinasagot ang katanungan ko."

"Anong katanungan?"

"Anong pakay mo ngayong araw?"

"Wala naman. Gusto lang kitang bisitahin. Masama bang alamin ang kalagayan ng alaga ko?"

"Alaga? Parang ginawa mo kong aso."

"Mukhang tuwang-tuwa ang puso mo nang dahil kay Sana. May balak ka bang sabihin sa kanya ang katotohanan tungkol sa pagkatao mo?"

"Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya kaya hindi ko na muna aaminin. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya. Natatakot ako na baka katakutan niya ako. Baka layuan niya ako tulad ng ibang dumaan sa buhay ko noon." Malungkot na pagkakasagot ko dahilan para mapahinga nang malalim si Jihyo.

"Naparito ako upang sabihin sayo na simula pa lamang 'yan. Gusto kong manatili kang matatag sa mga susunod na pagsubok na iyong haharapin."

"May masama bang mangyayari?" Tanong ko sa kanya dahil parang binabalaan niya ako sa tono ng pagsasalita niya.

"Bubuhos ang mga luha. Lalabas ang katotohanang natabunan na mula sa nakaraan. Susubukin ng tadhana kung gaano ka katatag. Gusto kong kayanin mo ang lahat nang 'yon. Alam kong kakayanin mo, Dahyun."

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon